Daisy
Rinig ko ang mahina ngunit malutong niyang tawa. Ang mainit niyang hininga ay ramdam ko sa leeg ko nang ibaon niya ang mukha niya rito.
"Bakit ka tumatawa?" Mahina kong sambit, 'di pa rin lumalayo sakanya.
"Masaya lang ako. Nakakakilig pala talaga marinig sa girlfriend ko na namiss niya ako. Worth it pala ang 'di magparamdam nang ilang linggo." Aniya kaya kinurot ko siya sa tiyan na hindi niya inasahan kaya napa-aray siya at lumayo nang kaunti.
"Worth it pala, ha?"
Ngunit humalakhak lang siya at binuka pa ang mga braso, parang sinasabihan ako na lumapit sakanya at yakapin siya.
"Bahala ka diyan. Tama na 'yun." Saad ko kaya natatawang napaawang ang mga labi niya.
"Daya naman, boss. 'Yun na 'yon? Wala man lang pakiss--" Namimilog ang mga matang lumapit ako sakanya at tinabunan ang bunganga.
Walang hiya! Akala mo ay kami lang ang tao rito!
Ngunit wala rin itong nagawa dahil may kalakasan ang pagkakasambit niya. Alam kong may mga nakarinig dahil may narinig akong mga hiyawan.
"Oh kiss daw, Daisy! Bigyan mo naman ng kiss si Sir Mateo, baka mawalan kami ng trabaho niyan!"
"Ate, nagkiss na kayo?! Kailan?!"
"Hala madaya! 'Di nagkukwento dahil nanlalamang na pala ng kapwa si Ate!"
Parang gusto ko na lang tumalon at manatili sa ilalim ng lawa dahil sa sobrang kahihiyan. Salubong ang kilay at matalim ang tingin ko kay Maky. Pero wala ring epekto dahil halatang pumapalakpak ang tainga sa mga narinig na pang-aasar sa'ming dalawa. Nagawa pang humalakhak.
"Pasensya. Naging low-key at private kasi kami ni Daisy nitong mga nakaraang linggo. Pero okay na ang lahat kaya pwede nang i-broadcast. Mamaya ay ipapa-announce ko 'to sa radyo." Gatong ni Maky kaya natawa at kinilig ang iba lalo na ang mga babae.
Ako naman ay sinubukang sipain siya ngunit natatawa lang siyang umilag.
"Bayolente na naman ang girlfriend ko. Parang 'di ako namiss, ah? O baka sobra mo akong namiss kaya mas naging extra violent ka?"
Muling lumakas ang kantyawan kaya sinenyasan ko siyang itikom na ang bibig niya. Napaka talaga ng isang 'to. Halatang sanay na sakanya ang atensyon ng lahat. Kung iisipin, dahil din siguro sa bibig nito kaya napikon at nagalit yung mga naging kaaway niya sakanya eh. Pahamak talaga kahit kailan.
"Alam mo, mabuti pang magtimpla ka ng buko juice. Umpisahan mo na ang mga yan." Turo ko sa mga nahati nang mga buko.
Mukhang susunod naman siya dahil nag-inat pa ang loko. Naglakad siya papunta roon sa lamesa kung saan nakalagay ang mga buko sa paanan nito. Sinundan ko naman siya.
BINABASA MO ANG
Limos (Sumilao Series #2)
RomanceBagong mundo, bagong buhay. Yan ang tanging layunin ni Daisy nang bumaba siya mula sa kabundukang kinalakihan niya. Ngunit 'di niya naman inasahan na talagang babaliktad ang mundo niya. Sa rami ng engkwento na kanyang naranasan, 'di niya inakala na...