Daisy
Hindi naman kami nagtagal ni Armani. Gusto niya pa ngang maglibot muna kami para ma 'explore' ko ang mall. Pero tanghali na kasi at nakaramdam na rin ng gutom. Uuwi na lang daw kami kaysa kumain dito kasi nga, tuturuan niya akong magluto.
Pero binilhan niya ako ng ice cream sa stall na nadaanan namin pababa. Ang sarap at ang lamig kaya natutuwa ako habang kinakain ito sa loob ng kotse.
"Mabuti na lang I bought an ice cream tub kanina sa grocery. We can eat it for dessert later." Ani Armani habang nagmamaneho.
Hanggang sa naubos ko ito. Kinain ko ang apa at kahit na 'yon pa lang ang nasa loob ng tiyan ko eh nakaramdam na ako ng kabusugan. Hindi pa ata natunaw ang mga nakain ko kanina sa Jollibee. Marami-rami rin 'yon.
"Daisy, marami ka bang alam sa mga tanim? Agrikultura?" Biglang tanong ni Armani sa'kin.
Tumango naman ako, "H'oo. Tinuruan kasi ako ni Inang noong bata pa lang ako. Minsan pag may nahuhukay akong mga herbal na mga tanim, kung 'di ko binibigay kay Inang, eh binebenta naman namin. Dahil nga laking bundok ako, siyempre dapat maalam ako sa mga ganiyan kasi mga tanim tulad ng kamote, 'yon ang kinakain namin sa pang-araw araw. Minsan, mga hayop tulad ng kuneho, yung r-rabbit?" Mahaba kong sagot at mukhang namangha naman si Armani sa sinabi ko.
"Wow. You eat rabbit? How does it taste?" Tanong niya ulit.
Napaisip naman ako. Matagal-tagal akong 'di nakakain ng rabbit eh. Kung ako mas gusto ko ang kamote tsaka gulay.
"Hmm. 'Di ko siya maipaliwanag. Depende rin ata kasi kung ano katanda? Minsan malambot, minsan makunat. Tapos, minsan parang walang lasa? Minsan naman, matapang ang lasa pero masarap naman. Depende na rin ata kung paano mo siya lutuin. Sa'min kasi iniihaw o sinasabaw ni Inang."
Bigla ko tuloy naalala si Inang. Namiss ko ang luto niya. Yung luto niya ang dahilan kung bakit nagsisipag talaga ako sa paghuhukay at pagbebenta ng mga tanim. Para may maipambili ng mga gagamitin niyang pangsahog.
"Now I'm actually curious. I've never tasted a rabbit before. Is it similar to chicken? Kasing-lasa niya ba ang manok?" Muli niyang tanong at umiling ako.
"Depende sa kuneho. Pero, minsan parang malapit ng kaunti ang lasa niya sa baboy? Pero, parang sa kanding din? Wala kasi siyang kalasa. Basta, lasang kuneho siya. Parang katulad lang din sa ahas. Lasang ahas, ganoon. May sari-sarili silang lasa." Sagot ko.
Tama naman, iba-iba silang lahat ng lasa. Parang tinanong mo na lang din kung malapit ba ang lasa ng kamote sa patatas.
"Wait, snakes? You eat snakes? Damn, Daisy." Bumaling ng ilang segundo si Armani sa'kin bago ibinalik ang kanyang tingin sa daan. Mukhang 'di siya makapaniwala sa narinig.
Natawa naman ako.
Oo nga pala, 'di ata normal dito ang kumain ng ganoon. Kadalasan nakikita ko kahit sa palengke, karne ng baboy, baka, manok... Pero walang kuneho o ahas.
BINABASA MO ANG
Limos (Sumilao Series #2)
RomanceBagong mundo, bagong buhay. Yan ang tanging layunin ni Daisy nang bumaba siya mula sa kabundukang kinalakihan niya. Ngunit 'di niya naman inasahan na talagang babaliktad ang mundo niya. Sa rami ng engkwento na kanyang naranasan, 'di niya inakala na...