KABANATA 48

17 1 1
                                    

Mateo


Base sa daan, papunta kaming Iligan, hindi Sumilao. Nalaman kong dito nag-sestay ang parents namin dahil nandito sila Lolo at Lola para maging emotional anchor ng mama namin.


"Are you gonna be okay, Miguel?" Tanong ni Armani nang huminto kami sa tapat ng may kalakihang bahay.


The house looked vintage. Yung mga bahay na Spanish-influenced pa. Pero halatang maintained ang bahay dahil mukha pa rin itong bago.


I also just knew that his name is Armani. At tama nga ang hinala ko dahil malapit kaming magkaibigan. Naging close din sila ni Miguel because of me. Mas naging close nang mawala ako.


"I can handle it, Armani." Sagot ng kapatid ko.


"I will still come just in case."


Hearing their conversation, I couldn't help but smile. Mabuti na lang pala at kahit na nawala ako, nandyan si Armani para sa kapatid ko.


I gathered all my courage and calmed the shit out of myself bago kami lumabas ng sasakyan. Tumigil kami sa harap ng malaking pinto, halatang nakakaramdam ang lahat ng kaba kaya nanatiling nakatayo rito.


Nagtinginan kami. To be specific, tiningnan nila akong dalawa, para bang naghihintay ng signal ko.


Kaya ayun nga ang ginawa ko. Huminga ako nang malalim bago tumango nang marahan sakanila bilang signal na handa na ako.


Binuksan ni Miguel ang pinto at pumasok. Napalunok pa ako nang marinig ang mahinang tunog ng pinto pagkabukas nito. Bumungad agad sa akin ang malinis at classy na interior na ikinamangha ko.


So, this is really my life before, huh? Palaboy-laboy ako without knowing na marami pala kaming bahay? At ang isa ay nandito pa talaga sa Iligan?


Sinundan ko lang sila Armani at Miguel na naglalakad hanggang sa lumiko sila sa kanan at rinig ko kaagad ang mga boses ng mga babae na nag-uusap. Hindi ko alam pero biglang lumakas ang tibok ng puso ko.


The voices were familiar. Too familiar.


Tumigil sila Miguel at Armani kaya pati ako ay natigil. Dahil nasa harapan ko sila ay natatabunan nila ako nang kaunti.


"Miguel? Armani? Napadalaw kayo? Is there something wrong?" Boses ng babae na sobrang familiar sa'kin.


My mind and especially my heart recognized that soft yet authoritative voice.


"Ma... W-we found him... Ma, he's here..." My younger brother said with his shaking voice. Yung boses niya, may halong tuwa at relief kaya ayan na naman ang mga mata kong malapit nang maging gripo. 


Tang ina, iyakin pala ako? Kanina pa ako iyak nang iyak, ah?


Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon