Daisy
Binawasan ng isa pa ang upuan kaya walo na lang ang natira habang kami namang mga manlalaro ay siyam. Muling tumugtog ang musika kaya naglakad ulit kami paikot habang sumasayaw.
Dahil kay Armani ay nakakaya ko nang gumiling ng kaunti kahit na 'di ako marunong. Pero focus pa rin ako sa mga upuan at sa musika. Muling tumigil ang musika at ang suwerte ko dahil nasa tapat ako ng bakanteng upuan. Naunahan ko si Paulo.
Ngunit parang wala lang naman 'yon sakaniya at kibit-balikat siyang umalis at nakinood kasama ang mga kasamahan namin.
"Good job, Daisy." Komplimento ni Armani kaya natuwa naman ako.
Muli kaming naglakad at nang matapos ang musika ay sinuwerte pa rin ako at mabilis akong nakaupo. Naagawan ko si Tine ng upuan.
"Sorry, Tine." Paghingi ko ng paumanhin na tinawanan niya naman.
"Ate ayos lang ano ka ba! Bawi ako sa sunod na laro." Aniya at umalis na at tumabi kay Flor na nanonood din sa gilid.
Komportable na ako sa laro kaya nakakaya ko nang ngumiti at sumabay sa tugtog. Syempre hindi katulad ni Dana na humihiyaw pa at pumapalakpak. Nang tumigil ang tugtog ay malapit na akong maunahan ni Mark kaso nahila kaagad ako ni Armani. Sa sobrang bilis ay medyo malakas pagkabagsak ko sa upuan kaya sumakit ng kaunti ang puwet ko at likod.
"Oh God, I'm sorry baby, nadala lang ako. Are you okay?" Ani Armani na napansin ata ang reaksyon ko kaya mabilis akong nag-iba ng ekspresyon at ngumiti sakaniya.
"Ala naku! Wala 'to, Armani! Nabigla lang ako." Pagsisinungaling ko sakaniya.
Pero totoo naman kasi kahit papaano. Nawala rin bigla yung sakit. Talagang nabigla lang ako sa bilis.
"I'm sorry. I'm actually competitive kaya minsan nadadala ako sa flow." Paghingi niya ulit ng paumanhin.
Umiling ako at tumayo, "Naku ayos lang talaga. Naiintindihan kita. Ipapanalo natin 'to, 'diba?" Pagpapaalala ko sakaniya kaya tumango siya.
"Kaya ayos lang. Kahit hilahin mo ako nang hilahin, ayos lang sa'kin basta manalo tayo." Ngiti kong sambit sakaniya.
"That's too harsh, Daisy. Hindi ko na gagawin 'yun ulit. Kahit hindi na tayo manalo." Aniya at bago pa ako makapagreact ay muli nang tumugtog ang musika.
Kahit na sinabi niya 'yon ay nag focus ako. Hindi pwede. Gusto kong manalo kami. Gusto kong makitang masaya si Armani dahil nanalo kami.
Ngayon ay anim na lang kami na natitira. Nasa harapan ko na si Femie at sa harapan niya ay si Lucio. Sa harap naman ni Lucio ay si Dana at si Miguel.
Habang naglalakad ay nakatuon ang tingin ko sa likod ni Femie na sumasayaw-sayaw din.
![](https://img.wattpad.com/cover/301967602-288-k883480.jpg)
BINABASA MO ANG
Limos (Sumilao Series #2)
RomantikBagong mundo, bagong buhay. Yan ang tanging layunin ni Daisy nang bumaba siya mula sa kabundukang kinalakihan niya. Ngunit 'di niya naman inasahan na talagang babaliktad ang mundo niya. Sa rami ng engkwento na kanyang naranasan, 'di niya inakala na...