KABANATA 45

27 1 1
                                    

Mateo

Ilang araw na naman ang lumipas. 'Di na ako nakabalik sa palengke kung saan ko siya nakita dahil nakabantay doon si Pepang. 

Binabawi ko na ang pasasalamat ko sakanya. Pasalamat siya, babae siya. Baka pati siya ay hinagisan ko na pabalik. Kainis. Naaamoy ata ang presensya ko at may galit sa'kin dahil kumukunot agad ang noo kapag nakikita ako kahit sa malayo pa lang.

Kahapon ay sinubukan kong bumalik ngunit wala na siya. Hindi siya dumaan. Ilang oras din akong nag-antay kasi ang sabi niya, doon daw siya dumadaan. Pero gumabi na lang, wala talagang bakas niya.

Kaya nagliwaliw ulit ako. Hindi ko na alam kung saan ako nakaabot. Basta ang alam ko, tang ina, takam na takam ako sa mga fastfood chain na nadadaanan ko. Amoy pa lang, nakakapaglaway na.

Pero syempre, wala naman akong pera kaya hanggang amoy lang ako. Naisip ko ngang magpa-cute sa mga customers pero baka ipatawag lang ako sa police kaya 'wag na lang.

Kamusta na kaya siya?

Aaminin ko, nalulungkot ako na nanghihinayang. Medyo kasalanan ko rin dahil kahit pangalan man lang ay 'di ko nakuha. O 'di kaya sana naman ay kinumbinsi ko na lang na ihatid siya pauwi para alam ko kung saan siya umuuwi.

Pero gets ko naman na baka hindi rin siya komportable ro'n. Mukha naman akong hindi katiwa-tiwala. Kahit ako, ayaw ko namang pumayag siya na sundan o magpahatid sa katulad ko kasi delikado.

Pero ayun na nga, isa sa mga pinoproblema ko ay hindi ko na masyadong maalala ang mukha niya.

Medyo madilim kasi ng gabing 'yun at ewan, parang bigla akong naging makakalimutin. Isa rin ata 'to sa dahilan kung bakit 'di ko rin maalala ang mga memorya ko noon. Parang may mali talaga sa utak ko. Medyo mabilis akong makalimot, o 'di kaya ay lumalabo ang memorya ko.

Ang boses niya, oo, medyo naririnig ko pa sa utak ko. Pero ang mukha niya, ang naaalala ko na lang ay ang ngiti niya.

Bumagsak ang balikat ko. Paano ko na siya mahahanap? Baka talagang anghel talaga ang isang 'yun kaya baka 'di ko na siya makikita?

At ayun, mukhang may ibang plano ang mundo. The universe proved me wrong once again.

"Hoy! Hoy ikaw! Yung lalaking namamalimos!"

Natigil ako sa paglalakad nang may sumigaw. Luminga-linga pa ako sa paligid para tingnan kung mayroon pa bang ibang lalaking namamalimos. Nang masiguradong ako lang nag-iisa ay lumingon ako at nagtama ang tingin namin ng isang babae.

Teka, pamilyar siya sa'kin.

Ngumiti siya nang malaki at biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Parang katulad lang doon sa magandang babae. Teka nga.

Kumunot ang noo ko at tinuro ko ang sarili ko para makasiguradong ako nga ang kausap niya.

 "Ako ba? Anong kailangan mo sa'kin? Kilala mo ako?" Tanong ko kahit na ang puso ko ay ayaw nang makalma. 

"Oo, ikaw nga. Ano, kumusta ang tinapay na binigay ko sa'yo? Ubos na ba?"

Natigilan ako at bumalik lahat ng mga alaala ko noong gabing 'yun. Parang biglang nagthrowback Thursday ang utak ko at nagtrip to memory lane.

Kumunot ang noo ko dahil medyo nahirapan at sumakit ang ulo ko nang kaunti. May mga alaalang parang medyo malabo ngunit pinilit ko talagang alalahanin ang lahat. 'Di ko pwedeng makalimutan 'yun. Importante 'yun sa'kin.

Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon