KABANATA 36

43 1 1
                                    

Daisy


"Daisy, tubig?" Ani Maky at inilahad ang hawak niyang tubig. Tahimik ko itong kinuha at nilagok ang lahat ng laman nito.


Bumabyahe kami ngayon pabalik sa Sumilao, papunta sa hacienda nila.


Ramdam ko ang pamamawis ng mga kamay ko sa nerbyos. Ni hindi na nga ako nakatulog nang maayos kagabi.


May parte sa isip ko na humihiling na sana ay nagbibiro lang si Maky sa sinabi niya kagabi. Ngunit kilala ko si Maky, at alam kong hindi siya nagbibiro.


Papunta kami sa hacienda nila, at ipapakilala ako sa pamilya niya.


"Naubos mo? Kung nauuhaw ka, may tubig pa sa bag ko. Gutom ka ba? Kaunti lang ang kinain mo kanina..." Rinig kong sabi ni Maky ngunit ako ay kinakain pa rin dito ng nerbyos.


Ano kaya ang magiging reaksyon nila? Ni Miguel? May alam kaya rito si Miguel? Ano ang magiging tingin nila sa'kin? 


Napahawak ako sa dulo ng damit ko. Kung alam ko lang, edi sana dinala ko na lang yung dress na binili ko. Kung kailan mukhang kailangan ko gamitin, hindi ko pa nadala.


Ubos na ata ang mga patay na balat sa labi ko dahil kanina ko pa ito kinakagat. Hindi ako yung tipo na inaalala ang mukha ko ngunit ngayon ay parang naiilang ako dahil hindi ko alam kung presentable ba ako o hindi.


At ito namang si Maky, hindi ko alam na nililigawan pa lang ay kailangan nang ipakilala.


Nagdasal ako na sana matagal ang byahe ngunit hindi ata pabor sa'kin ang mundo dahil maliban sa malapit lang ang Sumilao, parang bumilis pa ata ang byahe lalo na't 'di masyadong traffic.


Dumagundong ang dibdib ko nang mamataan na ang pamilyar na gate. Bumukas ito at dire-diretso ang maneho ni Maky papasok. Sumasabay pa siya at tumatango sa musika na pinapatugtog niya.


"Oh, baby, I am a wreck when I'm without you, I need you here to stay... I broke all my bones that day I found you, crying at the lake..." Madamdaming pagkanta niya.


Mabuti pa ang isang 'to, napakarelax lang habang ako ay para nang mahihimatay na.


Nang marating ang mansion ay napalunok ako nang makita ang kotse ni Miguel. May isa pang nakaparadang kotse sa tabi nito na ngayon ko lang nakita at pakiramdam ko ay sa magulang nila 'to.


Nandito nga sila. Diyos ko.


Ipinarke niya sa tabi ng kotse ni Miguel ang sasakyan at inaya na akong bumaba. Puno ng hesitasyon akong bumaba habang siya ay kinukuha ang mga gamit niya sa likod. Ngumiti siya sa'kin at sinenyasan akong pumasok na kami. Lumunok ako bago sumabay sakanya sa paglalakad papasok.


May nadaanan kaming kasambahay na binati kaming dalawa. Ibinigay ni Maky ang kanyang bag dito.


Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon