KABANATA 38

38 1 1
                                    

Daisy


Ilang beses kong sinaway si Maky dahil ayaw bitawan ang kamay ko habang nagmamaneho. Kulang na lang ay ako na ang magmaneho dahil pinapatong pa ang kamay ko sa kambyada habang minamapula ito.


"Alam mo, parang tama si Rose. Mukha ka nang aso na ayaw mahiwalay sa amo niya." Komento ko. Masyadong matabil ang pagsabi ni Rose kaya iniba ko na lang nang kaunti.


Ngunit ngumiti lang siya habang nakaangat ang dalawang kilay, "Edi arf arf? Anong klaseng aso ba? Golden? Shih tzu?" Gatong niya pa kaya sinubukan kong alisin ang kamay ko para makurot ko siya sa kalokohan niya ngunit hinigpitan niya lang ang hawak dito.


"Nakita ko 'to sa TikTok eh. Sabi nila Kiko, either pang Golden Retriever daw ako o 'di kaya ay Husky. Makulit daw kasi ako atsaka maingay. Malaki rin." Dagdag niya pa.


Wala akong masyadong alam sa mga aso ngunit dahil sila Kiko ang nagsabi ay sige, naniniwala ako sakanila.


Akala ko ay matitigil na ang usapang aso nang bigla siyang tumawa nang mahina.


"Alam mo, Daisy, parang gusto ko na tuloy mag-alaga ng aso. What do you think?" Tanong niya kaya taas ang kilay naman akong tumingin sakanya.


"Ba't ako tinatanong mo?"


"Kasi para sa'tin 'yun dalawa. We'll raise it together. Ang cute kaya nun, para tayong may anak." Aniya kaya napaawang na lang ang labi ko at natawa sa sinabi niya.


"Kakasagot ko lang sa'yo kanina, anak na agad?"


"Aso lang naman. Practice na rin 'yun. Cute kaya. Tapos hahatiin natin ang oras natin, nakaschedule. Sa'kin Monday to Wednesday, tapos sa'yo Thursday to Saturday, tapos Sunday tayong dalawa kasi pupuntahan kita sa site..." Pagpaplano niya at mukhang seryoso siya.


'Di naman mawala-wala ang ngiti sa labi ko dahil natatawa ako na natutuwa sa mga pinagsasabi niya. Parang gusto pa ata bigyan kaming dalawa ng responsibilidad at mukhang desidido talaga. 'Di na ako magtataka kung bukas ay may aso na nga yan.


"Anong gusto mong aso, Daisy? Yung cute lang? Maliit? Malaki?" At sinasabi ko na nga, seryoso talaga siya.


Wala naman akong naiisip na gustong aso. Ni hindi ko nga naisip ang mag-alaga ng hayop.


Napatingin ako kay Maky at naalala ang usapan kanina kaya tumawa ako bago sumagot.


"Yung katulad mo." Sagot ko kaya nag-angat muli ang dalawa niyang kilay.


"Tulad ko? Sus, Daisy, kung sinabi mo na lang agad na ako ang gusto mong alagaan, hindi naman ako hihindi. Tutal aso mo naman ako, kung kay Rose pa." 'Di ko na napigilang humagalpak dahil sa sinabi niya.


"Bwiset ka talaga, Maky. Ang dami mong alam." Natatawa ko pa ring saad at binigyan niya lang ako ng ngiti habang nakafocus pa rin siya sa daan.

Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon