Daisy
Nakuha niya naman na talaga ang atensyon ko kahit na 'di ko pa siya nakikilala noon pa. Sinong 'di makukuha ang atensyon ng isang 'poging pulubi'?
Pero iba na ngayon. 'Di na siya poging pulubi. Isa na siyang pangkaraniwang mamamayan na tulad ko. Mas pumogi nga lang siya.
Maya-maya ay bumalik siya na may hawak na tray.
"Dadalhin lang daw mamaya ang iba. Daisy oh, fries." Umupo siya sa upuan sa tapat ko at binigay sa'kin ang fries na nasa tray.
Tinanggap ko naman ito, "Iba ka na talaga, Maky. Asenso ka na. Pag order mo kanina, parang sanay na sanay ka na." 'Di ko na napigilang ikomento.
Bumungisngis siya, "Talaga? Sa totoo, ito ang unang beses na pumunta ulit ako sa Jollibee. Tsk tsk, bilib ka na naman sa'kin? Sabagay, kahit ako bumilib din sa sarili ko." Itinaas niya ang isang kilay niya nang sumubo ng isang piraso ng fries.
Nagreact naman ang puso ko. Bakit kasi ang lakas ng dating niya nang gawin niya 'yon?
"Biro lang 'yon. Binabawi ko na ang sinabi ko."
"Sige lang. Pati puso ko bawiin mo na rin." Nabilaukan naman ako sa sagot niya.
Nataranta naman niyang iniabot sa'kin ang baso na may lamang iced tea ata, "Hala biro lang 'yon. Ito naman, nabilaukan agad." Aniya.
Sinamaan ko naman siya ng tingin habang iniinom ang iced tea. Ang sarap! Ang lamig at nakakapresko. Kahit papaano ay naibsan ang init ng ulo ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
Nakakainis. Sabi na eh, nagbibiro lang talaga siya. Ang lakas naman niya. Sa lahat ng pwedeng ibiro, ganoon pa talaga.
"Ikaw ha nakakailan ka na sa'kin sa mga biro mong yan. Hindi na nakakatuwa." Hindi ko na napigilang sabihin nang maibaba ang nakalahati ko nang inumin.
"Hindi nakakatuwa na biro lang ang mga 'yon? Gusto mo ba, iseryoso ko?" Banat niya kaya umikot ang mga mata ko.
Nailalabas talaga ng lalaking 'to ang personalidad ko na hindi ko alam na mayroon ako.Pero grabe, napakabilis talaga niya mag-isip ng sasabihin sa'kin. Parang alam na alam niya talaga kung ano ang isasagot sa mga binabato ko sakaniya. Sa huli, ako pa rin ang naaapektuhan.
"Nag-umpisa ka na naman."
"Paano nga kung seryoso ako?"
Mataman ko siyang tiningnan, pilit binabasa ang ekspresyon niya. Kahit kailan talaga ang hirap niyang hulaan.
Ang hirap nang paniwalaan ang mga lumalabas sa bibig ng lalaking 'to. Base sa mukha at tono niya, parang seryoso siya. Pero ganyan din naman siya kanina bago sabihing nagbibiro lang siya.Kaya ayaw ko namang mag-isip ng kung ano-ano dahil baka ako lang ang maiinis.
Pakiramdam ko kasi ay pinaglalaruan niya ang damdamin ko dahil sa mga pang-aasar at panloloko niya.
BINABASA MO ANG
Limos (Sumilao Series #2)
RomanceBagong mundo, bagong buhay. Yan ang tanging layunin ni Daisy nang bumaba siya mula sa kabundukang kinalakihan niya. Ngunit 'di niya naman inasahan na talagang babaliktad ang mundo niya. Sa rami ng engkwento na kanyang naranasan, 'di niya inakala na...