Daisy
Mabilis na lumipas ang mga araw. Medyo sanay na ako sa paggamit ng mga gadgets na ibinigay sa'kin lalo na't tinutulungan ako nila Femie at Nimfa. Minsan, ginagamit pa ang cellphone ko para magvideo ng mga sayaw sa TikTok.
"Ano plano mo?" Ani Rose nang maupo siya sa tabi ko.
Kumakain siya ng popcorn at nilakasan ang volume ng TV. Kung titingnan si Rose, mukhang sanay na sanay na siya sa ganito. Ang bilis niyang nakapag-adjust.
Dumapo ang tingin ko sa pulsuhan niya nang makita ang isang silver na bracelet. Ilang araw ko nang napapansin 'to at gusto ko siyang tanungin kung kanino galing 'yon pero laging nawawala sa isip ko.
"Huy. Ano nga ang plano?" Muling tanong niya kaya nabalik sakanya ang atensyon ko.
"Plano sa?" Litong tanong ko.
Sumubo siya ng popcorn at tumingin muli sa TV, "Saan pa? Edi sa bagong taon."
Ah, oo nga pala.
Tiningnan ko ang petsa sa cellphone at nakita kong December 30 na.
'Di gaya ng ganap sa pasko na may handaan, ngayon ay parang wala. Pero noong pasko kasi, nasaktuhang nandyan si Armani at nagpumilit kaya ganoon. Ngayon, wala kaming balita at mukhang abala rin sa trabaho nila.
"'Di ko alam. Ano ba ang pwedeng gawin?" Tanong ko sakanya at tumahimik siya.
Akala ko ay 'di na siya magsasalita kaya itinutok ko na lang din ang atensyon ko sa TV.
"Uuwi ako mamaya." Aniya kaya napatingin ako sakanya.
"Uuwi saan? Sa Cagayan de Oro?" Tanong ko at tumango naman siya.
Ayos lang naman kung gusto niya umuwi dahil kung tutuusin, tapos na rin ang trabaho nila. 'Di naman high-maintenance ang cassava na kailangang bantayan kaya walang problema kung uuwi siya.
"Ikaw lang? Sila Nimfa?" Dagdag kong tanong at natagalan siya ng ilang segundo bago sumagot sa'kin.
"...Ako lang."
Aniya ay babalik din naman daw siya sa January 1 ng umaga kaya wala akong problema. Bandang alas tres nang nakapag-ayos na siya ng dadalhin niya pauwi.
"Text ka ha kung saan ka na." Paalala ko sakanya kaya parang bagot naman siyang tumango.
"Oo nga. Ikaw mas sobra ka pa sa magulang. Magtetext ako, okay na?" Aniya kaya tumatawa ako ng kaunti na tumango.
Sanay na ako sa ugali niyang yan. Yung suplada, mataray minsan, tapos parang laging bagot pa, ang daling mairita at mapikon kasi ang ikli ng pasensya.
BINABASA MO ANG
Limos (Sumilao Series #2)
RomanceBagong mundo, bagong buhay. Yan ang tanging layunin ni Daisy nang bumaba siya mula sa kabundukang kinalakihan niya. Ngunit 'di niya naman inasahan na talagang babaliktad ang mundo niya. Sa rami ng engkwento na kanyang naranasan, 'di niya inakala na...