Daisy
"What? Something wrong?" Tanong ni Armani kaya umayos ako ng upo.
Sobrang layo na namin at maraming nakasunod na sasakyan sa likuran kaya naisip kong 'wag na lang sabihin kay Armani. Atsaka 'di rin naman ako sigurado kung siya talaga 'yon. Baka namalikmata lang ako o ano.
"Wala, may nakita lang. Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Gaisano mall. You've been there before?" Tanong niya.
'Di naman ako sigurado kung ano ang isasagot. Parang pamilyar kasi sa'kin ang pangalan. Baka napuntahan ko na rati, 'di ko lang maalala. Kaya umiling na lang ako bilang sagot.
"Wow, you're like, you came from another world. It's fun though. Parang nag-eexplore ka lang. It must be nice to see all these for the first time. 'Di ka ba nao-overwhelm?" Aniya.
"Overwhelm?"
"Overwhelm uh, how do I explain this. Yung parang, nalula? Uh, kasi 'diba bago ang lahat ng 'to para sa'yo. Damn, it's hard to explain. May mga words kasi na walang accurate na meaning sa Tagalog." Sagot niya pero naintindihan ko pa rin naman ang paliwanag niya.
Atsaka, parang nabasa ko na 'yon sa dictionary dati. Nakalimutan ko lang siguro.
"Ah, okay. Uhm, oo? Lalo na noong una kasi ibang-iba ang buhay na nakasanayan ko sa taas. Isa pa, mas malamig doon. Dito, sobrang init pala. Tirik na tirik lagi ang araw." Komento ko.
"Really? I think that explains your complexion. Ang balat mo kasi, not trying to be offensive and stereotypical, pero you're light and surprisingly fair for someone na tagabundok."
Complex--ano raw? Fair? 'Diba patas 'yon?
'Di na ako nagkomento pa. Ayaw ko ring magtanong kung ano meaning ng mga 'yon. Siguro, bibili na lang ako bagong dictionary. Ako kasi ang napapagod para kay Armani. Bawat salita niya, tanong ako nang tanong.
Ayaw ko namang tumigil siya sa pag-eenglish kasi gusto ko ring sanayin ang tainga ko. Yung laging makarinig ng English, ganoon. At pansin ko naman na sinusubukan niya pa ring ipaintindi sa'kin ang mga sinasabi niya.
Ilang minuto pa ang lumipas nang makarating kami sa Gaisano na tinutukoy ni Armani at tama nga ang hinala ko kanina. Pamilyar nga sa'kin ang mall. 'Di ko nga lang alam kung kailan ko 'to nakita.
Naghanap ng parkingan si Armani at nang makapark na ay bumaba na kami at pumasok sa loob ng malaking gusali. Sobrang laki. Kulay asul pa.
"Uy, may Jollibee rin dito." Turo ko sa Jollibee.
"I'm sure na lahat ng malls, 'di mawawalan ng Jollibee. It's like a staple to the Filipino culture." Sagot niya.
BINABASA MO ANG
Limos (Sumilao Series #2)
RomanceBagong mundo, bagong buhay. Yan ang tanging layunin ni Daisy nang bumaba siya mula sa kabundukang kinalakihan niya. Ngunit 'di niya naman inasahan na talagang babaliktad ang mundo niya. Sa rami ng engkwento na kanyang naranasan, 'di niya inakala na...