Daisy
"Sigurado akong mararating mo rin ang gusto mong marating, Daisy." Saad niya na nagbigay din sa'kin ng motibasyon.
Sana talaga.
Mabilis na lumipas ang oras. 'Di katulad nitong mga nakaraang araw, ngayon ay masasabi kong komportable na ako kay Lucio. Matapos niya akong kuwentuhan tungkol sa buhay niya at mga pinagdaanan niya, mas nakilala ko siya ng malalim.
"Anong oras na?" Tanong ko ulit kaya muli siyang tumingin sa relo niya.
"5:01 AM na. Tara, balik na tayo? Wala pa pala akong tulog." Natatawa niyang sambit kaya natawa na lang din ako.
Nauna siyang tumayo atsaka tinulungan din niya akong makatayo. Isinuot ko ang tsinelas ko at si Lucio naman ay nag paa lang. Basa kasi ang paa niya at ayaw niyang suotin ang sapatos at medyas na basa ang mga paa. Kaya maglalakad na lang daw siya na nakapaa.
Nang makabalik kami ay may ilan nang gising at nakatambay sa labas. Nagpaalam na si Lucio sa'kin kaya nagpaalam din ako.
Pagkapasok ko ng bahay ay bumungad sa'kin si Femie na gising at nakaligo na.
"Gising ka na? Ang aga mo namang nagising Femie." Saad ko. Lumingon naman siya sa'kin na blangko ang mukha.
"Ah, oo. Maaga kasi akong nakatulog. Ate..." Aniya at isinampay ang tuwalya sa sampayan. Nilagpasan niya ako at binuksan ang pinto.
"Mauuna na ako, Ate." Paalam niya at lumabas na bago pa man ako makasagot. Nagtaka naman ako sa pagkilos niya.
May epekto pa rin ba ang lambanog sakaniya? Atsaka, maaga pa. Anong gagawin niya sa labas?
Umiling na lang ako at kinuha na rin ang tuwalya ko para makaligo na rin. Hindi naman ako tumagal sa loob at paglabas ko ng banyo ay ganoon pa rin. Walang tao. Mukhang 'di na bumalik si Femie.
Habang nagpapatuyo ng buhok ay naupo ako sa kama at naghanap ng pwedeng kainin na matamis. Sayang din kasi pag 'di ko napapansin ng madalas ang binigay sa'kin ni Armani.
May nakita akong cookies ulit pero iba ang itsura. Kaya ito ang kinuha ko at kinain.
Nang makaubos ng dalawa ay napagdesisyunan kong lumabas na rin at dumiretso na sa dining hall. Sakto paglabas ko ay maliwanag na ang paligid at marami na ring tao sa labas. Kakalabas lang din ni Nimfa at Rose kaya binati ako ni Nimfa.
"Hi Ate! Good morning! 'Di mo kasama si Femie?" Tanong niya at umiling naman ako.
"Nauna siyang lumabas kanina pa. Baka nauna na sa dining." Sagot ko.
"Nakita ko siya pumunta sa lawa." Biglang sagot ni Rose kaya napatingin kaming dalawa ni Nimfa sakaniya.
BINABASA MO ANG
Limos (Sumilao Series #2)
RomanceBagong mundo, bagong buhay. Yan ang tanging layunin ni Daisy nang bumaba siya mula sa kabundukang kinalakihan niya. Ngunit 'di niya naman inasahan na talagang babaliktad ang mundo niya. Sa rami ng engkwento na kanyang naranasan, 'di niya inakala na...