KABANATA 2

77 4 1
                                    

TW: sexual assault and violence

_
Daisy

"Ate Daisy! Wait lang, need pa namin gumawa ng essay." Ani Len pagkakita niya sa'kin. Binati rin ako ng mga kaibigan niya.


Nasa sala kasi sila, may mga notebook at ang iba, cellphone at laptop ang hawak. Bumaling ang atensyon ko sa telebisyon nang makitang nanonood sila ng balita kaya nagtaka ako.


"Anong oras na ba, Len? 'Di pa pala tapos ang balita? Akala ko yung Cardo na ang palabas." Tanong ko sakanya.


"Ahh. Kahapon pa ata 'to ate. Sabi kasi ng teacher namin eh panoorin daw namin."Sagot naman niya.


Dahil medyo napagod ako sa paglalakad ay nakiupo ako sa may pang isahang sofa sa gilid. Nanood na lang din ako ng balita.


'PROJECT ALAY DILAW: INILUNSAD NA'


Binasa ko ang nasa telebisyon at nakuryos sa nabasa. Nakikinig kasi ako sa sinasabi ng reporter pero nang magpakita ng bidyo ng isang maitsurang lalaki na nagsasalita sa Ingles ay nawala na ako medyo.

"Alay Dilaw..?" Nagdadalawang-isip kong sambit. Narinig ata ni Len kasi sumagot siya.


"Oo ate. Big news siya kasi first time na nagkaroon ng ganyan kalaki na project dito sa region 10 kaya lahat ng attention eh nandyan. Project siya na ginawa para maisalba ang mga bundok, gubat dito sa Northern Mindanao. Kinikilig nga kami ate kasi OMG! Ang pogi nung Miguel!" Ani Len at nagulat ako nang magtilian sila.


Miguel?


Tumingin ako ulit sa telebisyon at pinakita ulit ang mukha ng lalaki na nakita ko kanina. Binasa ko ang pangalan at nakalagay ay 'Miguel Samson'.


Ito yung Miguel? Tama nga si Len, talagang may itsura nga.


Napangiti ako dahil nang magpokus ako sa mga mata niya eh may naalala ako.


Ang titig niya parang katulad doon sa namamalimos. Pareho pang maitsura.


Nawala na yung mukha ng Miguel at napalitan ng mukha ng babae. Maganda naman ang babae lalo na pag ngumingiti. May hawak itong pala at may mga kasama siya. Kasama roon sa grupo yung Miguel.


"Hay! Parang gusto ko na tuloy pumunta ng Bukidnon! Makikita ko kaya siya? Grabe ang pogi! Parang artista..." Ani isa sa mga kaibigan ni Len at sumang-ayon naman sila rito.


Napangiti na lang ako at umiling ng mahina. Mga kabataan nga naman.


"Maliligo muna ako, Len." Paalam ko sakanya kasi nakaramdam na rin ako ng panlalagkit. Buong araw pa naman akong galaw ng galaw. Nakakapagod din. Gusto kong maligo para maibsan din ang nararamdaman kong pagod.


"Sige, Ate. Malapit naman kami matapos. After nito, Netflix tayo." Aniya.


'Di ko maiwasang ngumiti ulit dahil sa sinabi niya. Akala ko nakalimutan o sa susunod na araw kami manunuod kasi may ginagawa sila.


Umakyat na ako at dumiretso sa kwarto ni Len. Bubuksan ko na sana ang pinto nang makarinig ako ng sigaw sa kabilang kwarto.


"Sino 'yon, ha Rico? Sinong babae ang pinag-uusapan niyo ha?!"


"Yan ka na naman, Cynthia. 'Di ka na nagbago! Ano, pag-iisipan mo na naman ako ng kung ano-ano?!"


Napakagat ako ng labi dahil sa narinig na sagutan. Ngayon ko lang sila narinig nila Tiya na nagsagutan. Napatingin ako sa hagdan at inisip si Len. Mabuti na lang at nasa baba sila. Mukhang 'di rin naman rinig sa baba ang ingay.


Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon