Daisy
August 18, 2022
Walong buwan na ang lumipas. Pakiramdam ko nga ay pumikit lang ako at ang dami nang nangyari.
[Baby ko, pupunta ako diyan at eleven. Diyan na lang din ako mag-lalunch.]
"'Di ka ba nagsasawa? Nandito ka rin kahapon."
[Bakit ako magsasawa? Baka ikaw ang nagsasawa ka na sa akin! And this is important. Related 'to sa project...]
"Sus, rason. Project project ka diyan." Saad ko pero 'di ko pa rin naman mapigilan ang ngiti ko.
Walong buwan na rin kaming magkarelasyon. Akala ko nga ay may magbabago sa'min, ngunit nagkamali ako. Napaka-consistent ni Maky. Mukhang mas lumala pa nga ata siya.
Noong February, sinabay niya ako sa Davao para sa celebration ng birthday ni Miguel. Mas special din kasi ang selebrasyon dahil maliban sa birthday, na-confirmed na rin ang extension ng project sa Davao. At dumagdag pa roon ang maagang selebrasyon para kay Dana dahil ga-graduate na siya sa kolehiyo.
Aaminin ko, maliban sa tuwa ay nakaramdam din ako ng inggit. Kasi nga, hindi naman ako nakapagtapos. Isa rin sa mga pangarap ko ang makapag-aral, pero hindi ko alam kung pwede pa ba dahil sa edad ko.
[By the way, kamusta ang studies? Mahirap ba?]
Sumandal ako sa sandalan ng inuupuan kong swivel chair at pinagmasdan ang test na kailangan ko pang sagutin sa araw na 'to.
"Ayos lang. Magaling magturo si Ms. Diaz kaya mabilis kong naiintindihan ang mga tinuturo niya." Ngiti kong saad, inaalala ang mga kaganapan ko nitong nagdaang mga buwan.
Dahil kilala nga ako ni Maky, napiga niya ako at naamin ko sakanya ang kagustuhan kong mag-aral. Kaya noong unang linggo ng Marso ay inasikaso namin ang mga credentials ko. Katulad na lamang ng pag-register ng aking birth, at iba pang mga kailangan ko tulad ng valid IDs, at nag-apply ako sa SSS, PhilHealth, pati bank account ay pinabuksan ako ni Maky.
Inasikaso niya ang lahat dahil plano niyang pagpaaralin ako sa kolehiyo. Sabi niya kasi ay kailangan kong mag-take ng ALS or Alternative Learning System. Ito raw kasi ang pinaka-akma sa'kin dahil sa sitwasyon ko noon sa bundok kung saan wala kaming access sa edukasyon at naging out-of-school youth ako dahil doon. Kaya kumbaga, kailangan kong makumpleto ang programa at mag-take ng mga tests para mapabilis ang tyansa kong makapag-enrol agad sa kolehiyo kahit na hindi ko ako nakapagtapos ng pormal na basic education. Ang kailangan lang talaga ay maging mataas ang performance ko dahil dito titingnan kung eligible ba ako lalo na sa kursong gusto kong kunin.
[Sus, sabihin mo na lang na fast-learner ka. Alam ko namang kaya mo rin yan. Sa performance mo pa lang sa project? Easy na lang sa'yo yan. By the way, kailan ang next meet-up niyo ng facilitator mo? Sasamahan kita.]
Ngumuso naman ako, "Para naman akong bata nito. Sa barangay hall lang naman kami pupunta. Alam mo, dapat inaasikaso mo ang negosyo niyo. Ang dami mo atang oras?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Limos (Sumilao Series #2)
RomanceBagong mundo, bagong buhay. Yan ang tanging layunin ni Daisy nang bumaba siya mula sa kabundukang kinalakihan niya. Ngunit 'di niya naman inasahan na talagang babaliktad ang mundo niya. Sa rami ng engkwento na kanyang naranasan, 'di niya inakala na...