KABANATA 32

54 2 1
                                    

Daisy


Wala rin akong nagawa nang si Miguel na mismo ang tinawag ni Armani para kumbinsihin ako. Para silang mga tindera sa palengke na grabe kung magbenta at mangumbinsi na bumili sa pwesto nila, at ako naman ang customer na walang magawa kundi magpatianod.


Bakit parang alam na alam na nilang tiklop ako lagi kay Miguel at ginagamit siya para gawin ang mga bagay na pinapagawa nila sa'kin?


"You can do it, sweetheart. We trust you." Ani Armani kaya parang mas nakaramdam ako ng pressure.


Ngunit ano pa ba ang magagawa ko at desidido na ang dalawa?


Tumigil kaming dalawa sa paglalakad nang marating namin ang lawa. Ilang araw lang akong nawala pero mas gumanda na ito. Nadagdagan ang mga bulaklak na nakapalibot dito, pati na ang mga disenyo na gawa sa bato at kahoy.


Inaya ako ni Armani na mag-ikot. Noong una humindi pa ako kasi baka makita ko ang mga katrabaho ko. Ayaw ko pa namang makita ang maaaring reaksyon nila kapag nakita ako, at kasama ko pa si Armani.


Ngunit sinabihan ako ni Armani na nasa field daw sila at nagsisimula na sa pag-uulit ng tinanim namin at 'di kami pupunta roon kaya napapayag ako. Nahiya pa ako kasi dapat isa ako sa nagtatanim ngayon pero pinigilan niya ako dahil hindi ko na kailangang gawin 'yon lalo na't iba na ang trabaho ko.


Na mas nagpalalim ng hiya ko. Kasi ano ba ang kayang gawin ng tulad kong hindi nga nakapagtapos ng kahit hayskul man lang?


Kaya hindi rin matapos-tapos ang pagbibigay motibasyon sa'kin ni Armani kasi halatang-halata na wala akong tiwala sa sarili ko.


"Sa una lang yan mahirap since you're adjusting. Plus your mindset right now na hindi mo kaya which is also triggering your low confidence. But tingnan mo, once you settle in, magiging madali na ang lahat sa'yo." Dagdag niya pa bago ako hilahin paupo sa bench.


Nakatanaw kami ngayon sa tahimik na lawa. Habang pinagmamasdan ito, muling bumalik sa'kin ang pag-uusap namin dito ni Mateo.


Yung pagpapakalma niya sa'kin, at pagpapagaan ng loob ko sa pamamagitan ng pagkukumpara sa'kin sa lawa.


"Nakangiti ka. What's on your mind?" Tanong ni Armani kaya gulat akong napatingin sakanya.


Nakangiti?


Hindi ko napansin 'yon. Inalala ko lang ang alaalang 'yon, 'di ko namalayang napangiti na pala ako.


Dahil usapang Mateo, walang hesitasyon kong ikinwento sakanya ang nangyari rito. Ewan ko ba pero ang gaan ng loob ko kay Armani, at dumagdag din doon yung boses sa isip ko na nagsasabi sa'kin na magkwento sakanya ng lahat ng nalalaman ko kay Mateo. Siguro dahil ilang buwan niya itong hindi nakita kaya parang naging obligasyon ko sa sarili ko na magbigay sakanila ng update para malaman nila kung ano ang naging kalagayan ni Mateo sa mga panahong 'yun.


Umiling-iling naman si Armani at ngiting nakatingin sa lawa, "Of course, what do I expect from that guy? He always knows how to use his words." Aniya at sumandal sa upuan.

Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon