KABANATA 29

30 1 1
                                    

Daisy


"Maky, dito mo na ihinto." Saad ko nang hindi tumitingin sakaniya. Malayo kami ng ilang metro mula sa gate kung nasaan ang mga kasamahan ko.


Ewan pero masama ang kutob ko. Mas mabuti nang dito kami huminto siguro.


"Ha? Bakit dito?"


"Basta." Sagot ko at doon na ako tumingin sakaniya.


"Salamat, Maky. Sa lahat. Babawi ako sa susunod. Sige na, mauuna na ako." Pamamaalam ko atsaka bumaba na.


Nawala na kay Maky ang atensyon ko. Napalunok ako nang muling nabuhay ang kaba at nerbyos sa dibdib ko.


Nandito na ulit ako. Kahit na halos dalawang araw lang akong nawala ay pakiramdam ko ang dami nang nangyari rito.


Kahit na 'di mapakali ay tinatagan ko ang sarili ko at naglakad patungo sakanila. Napansin naman nila ako at kung 'di na maipinta ang mukha nila kanina, paano na lang ngayon na nakita nila ako?


"Ang lakas naman ng loob mo na bumalik dito. Akala namin pagkatapos mong isabotahe ang trabaho namin dito, 'di ka na magpapakita."


Ang gandang bati at bungad naman sa'kin ng mga salitang 'yon.


Gayunpaman, taas-noo akong tumingin sakanila. At bakit hindi? Alam ko naman sa sarili ko na wala akong kasalanan.


Alam ko namang walang katotohanan ang mga bintang nila sa'kin. At alam ko namang wala rin silang kaalam-alam. Kaya bakit ako aatras?


"Gaya ng sabi ko rati, wala akong kasalanan. Wala kaming isinabotahe." Kalmado kong saad at lalagpasan na sana sila nang bigla naman akong hawakan sa braso ng isa. Mahigpit ang pagkakahawak niya kaya 'di ko napigilang mapangiwi.


"Talaga lang, ha? Kapal mo naman. Dahil siguro sa'yo kaya 'di pa bumabalik si Sir Lucio hanggang ngayon dito! Lalo na yang Rose na yan na eskandalosa. Salamat sa paninira niyo, ha? Ngayon, mukhang kami pa ang sasalo ng mga problemang ginawa niyo."Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.


Ano raw? Si Lucio, 'di pa bumabalik?


"Ang mga makina sa bodega, sira na. Ang mga fertilizer, nagsimula na ring mamuti at magkaroon ng amag. Kapag naapektuhan ang mga pananim namin, lintik lang ang walang ganti, Daisy. 'Wag na 'wag mong ipapakita ang mukha mo sa'min." Puno ng panggigigil at galit na saad niya.


Aminin ko man o hindi, nasaktan ako. Parang nabaliwala ang nabuong samahan namin nitong mga nakaraang linggo. Hindi ko inasahan na makakatanggap ako ng mga ganoong salita.


"Tama na yan, Sonya. Balik na tayo sa loob." Saad ng isa pa naming kasamahan at doon lang ako binitawan ni Sonya.


Nagkaroon ng marka sa balat ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Kahit masakit ay pinili kong 'di magpakita ng emosyon.

Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon