Daisy
January 18.
Dalawang linggo na ang lumipas simula noong nakita namin ang balita tungkol kila Maky. Nitong nakaraang mga linggo, naging suki rin ang issue sa mga balita rito sa Mindanao kaya lagi ko ring nakikita ang mukha nila sa TV. Daig pa nila ang artista.
Hanggang ngayon ay 'di ko pa rin kinakausap si Maky. Ang huling beses na kinontact ko siya ay yung tinawagan ko siya noon.
Tumawag kasi si Armani last week. Nalaman nilang may taong naging 'stalker' namin nila Rose noong mga panahon na lagi naming kasama sila Maky at Armani na binayaran ni Villamor na pinapahanap pa nila hanggang ngayon. Kaya sinabihan kami na 'wag muna silang i-contact o lumabas ng site hanggang sa 'di kinukumpirma na ayos na ang lahat. Kahit dito sa site ay dumoble ang sekyuridad kaya mahirap ang maglabas-pasok, lalo na sa'ming dalawa ni Rose.
Ayaw kong mag-alala si Maky at dumagdag kami sa iisipin niya kaya nanatili ako rito sa site at 'di rin siya kinontact. Nag-iwan lang ako ng mensahe kay Armani, nakisuyo na sabihing mag-ingat sila lagi at balitaan agad kami kapag maayos na ang lahat.
Kilala ko si Maky. Kapag tinext ko 'yon, panigurado ay 'di na ako tatantanan nun kaya mabuting 'wag ko muna siyang istorbohin at magfocus muna siya sa kailangan nilang pagtuonan ng pansin sa ngayon. Makakapaghintay naman ang kalandian naming dalawa.
Pasakit talaga sa ulo at problema lang ang dala ng Villamor na 'yun. Nalaman ko ring mas naging doble ang ingat at higpit ng mga Samson pagdating sa mga koneksyon nila sa kanilang mga negosyo.
"Ate, ano kaya magandang gawin sa birthday ni Rose?"
"Huy Nimfa 'wag mo ngang angkinin yang stick-o!"
Naudlot ang malalim kong pag-iisip sa narinig. Kunot ang noo akong bumaling kay Nimfa na abala sa kinakain niyang Superstix. Katabi niya sila Tine, at Flor na nakikikain din. Sa kabilang tabi ko si Femie na nakiki-abot din sa Superstix habang hawak ang baso niya ng buko juice.
Nagmemeryenda kami sa harap ng lawa. Naisipan kong mag-bonding kasama sila dahil masyado akong nalunod sa trabaho at problema nitong mga nakaraang linggo kaya parang nakalimutan ko na rin sila. At isa pa, dahil bantay-sarado kami ni Rose ay wala rin kaming pwedeng gawin kaya heto ako, nagliwaliw na lang sa site. Si Rose ay piniling mag siesta sa bahay.
"Birthday? Kailan ang birthday niya?"
"Sa 20, Ate." Sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko.
"Ngayong 20?" Pagkumpirma ko at tumango naman siya.
Umawang ang labi ko. 'Di ako makapaniwala na hindi ko alam na malapit na ang birthday niya. Kasama ko sa bahay pero wala akong kaalam-alam masyado tungkol sa buhay niya. Bakit kasi napaka-masikreto ng babaeng 'yun?
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Ilang araw na lang oh."
BINABASA MO ANG
Limos (Sumilao Series #2)
RomanceBagong mundo, bagong buhay. Yan ang tanging layunin ni Daisy nang bumaba siya mula sa kabundukang kinalakihan niya. Ngunit 'di niya naman inasahan na talagang babaliktad ang mundo niya. Sa rami ng engkwento na kanyang naranasan, 'di niya inakala na...