KABANATA 19

21 2 0
                                    

Daisy


Kahit na nawalan na ako ng ganang kumain dahil sa emosyon na dumadaloy sa dibdib ko ay pilit ko pa ring ginalaw ang pagkain ko.


Wala eh. Nasasaktan ako. Masyado ata akong sensitibo. Wala namang masama roon, 'diba? Normal lang naman siguro makaramdam ng ganito para sa taong tinuturing mo nang importante sa'yo.


"Gusto ko lang sana sabihin na, wala akong kinalaman sa kumakalat na balita tungkol sainyong dalawa ni Sir Lucio, Ate. At 'di ko rin maintindihan kung bakit kailangan mong makipag-palit kay Nimfa." Diretsong saad niya. Walang bahid ng hesitasyon ang boses niya. 


Ngunit napapansin ko pa rin ang kamay niya na hindi mapakali, pinaglalaruan ang kanin sa plato niya.


Wala siyang kinalaman doon? Kung hindi siya, edi sino?


"Ako ang nagpumilit, Femie. At kung totoo man ang sinabi mo, bakit nilalayuan mo siya? Ipagpaliwanag mo ang pagtrato mo sakanya nitong mga nakaraang araw. Kayong tatlo." Biglang sabat ni Rose.


"Oo nga. Parang 'di niyo pinagsalitaan ng kung ano-ano si Ate Daisy ah? Narinig ko kayo oy." Dagdag ni Nimfa. 


Hindi naman nakasagot ang tatlo. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa lamesa. Lalo na ang presensya ni Rose habang nakatingin siya sa tatlo na parang tigreng lalamunan ang tatlo.

"Ano man ang narinig mong sinabi namin, hindi 'yon sapat para idiin sa'min na lalo na sa'kin na ako ang nagpakalat. Kung sino man ang nagpakalat non, siguro naman may nakita sila sa dalawa? Hindi rin naman 'yon kakalat pag wala lang, 'diba?" Pagdepensa ni Femie.


"At kung hindi ka naman isa't-kalahating tanga at 'di mo ginagamit ang utak mo. Ikaw na nagsabi na kumalat, 'diba? Akala ko ba Ate mo 'to? Ba't pag kalat ng balita, ikaw una lumayo? 'Di mo naman sinabing uto-uto ka pala." Taas kilay na sabat ni Rose sakaniya.


Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.


Akala ko ba ako ang kausap ni Femie? Bakit parang silang dalawa na ang nagsasagutan?

Ikinagat ni Femie ang labi niya at tahimik na kumain. Bilib naman akong napatingin kay Rose dahil wala nang naisagot si Femie sa mga binabato niya.

Naging tahimik ulit ang lamesa hanggang sa naubos ko ang pagkain ko. Ganoon din ang dalawa at unang tumayo si Rose. "Diyan ka lang, kana? Tumayo ka na diyan at maglilinis pa tayo ng kwarto." Aniya. 


Sabay kaming tumayo ni Nimfa at nagawa pa ni Nimfa na magpaalam sa tatlo na tahimik pa ring kumakain.

Kahit gusto ko mang magsalita ay itinikom ko na lang ang bibig ko at sumunod sa dalawa. Sa susunod na siguro. Pag napatunayan nga na totoong wala siyang kinalaman.

"Ano ang lilinisin natin? Mukhang malinis naman na ang kuwarto?" Tanong ko nang maglakad kami palabas ng dining hall.


"Syempre ano pa nga ba? Hindi ba halata? Gawa-gawa ko lang 'yon. Parang wala ka pang planong umalis eh." Sagot niya.


Ah, 'yun pala? Pasensya na. Hindi naman ako ganoon kabilis mag-isip.


"Ang taray mo ha. Ang galing mo kanina sumagot." Natatawang saad ni Nimfa. 


Sang-ayon ako sakanya. Talagang walang preno ang bibig ng babaeng 'to. 

"Palakpakan mo si Femie. Sa wakas ay hindi na naputulan ng dila at natutong sumagot." Ani Rose na siyang sinang-ayunan ko rin.

Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon