Daisy
Alam kong malapit na sila sa isa't-isa, ngunit 'di ko naman inasahan na makikita ko silang ganito kalapit pala. Yung tipong, magkasama sila na silang dalawa lang. At isa pa, akala ko ba ay umuwi si Rose sa Cagayan? Ba't nandito siya?
"Armani? Come here and sit with us!" Napatingin ako kay Tita nang tawagin niya si Armani.
Totoo nga, 'di nga ito panaginip o guni-guni. Talagang sila Armani nga.
Nagtinginan ang dalawa bago lumapit sa'min. Naunang maglakad si Armani habang mabagal naman ang mga hakbang ni Rose na nakasunod sakanya.
Niyakap ni Armani sila Tita at Tito, "Good afternoon, Tita, Tito. I was not expecting to see you here..." Aniya at inisa-isa kaming tingnan hanggang sa huminto sa'kin ang tingin niya.
"Daisy." Pagtawag niya sa'kin kaya nagdadalawang-isip pa akong ngumiti dahil hindi pa rin ako nakakarecover na makikita ko silang dalawa.
"Oh, you know each other?" Ani Tita Cecilia at tumango naman si Armani.
"Yes, Tita. We're close friends and she's also the one managing the project. Yung pumalit kay Natividad."
Mukhang nagulat naman si Tita at napatingin sa'kin, "Oh! So that's you? Wow, I've heard from Miguel na you're doing an exceptional job handling the project. No wonder nagustuhan ka ni Mateo. Not only you're pretty, but excel in the field he's passionate about." Pagbibigay komplimento ni Tita kaya nahihiya akong tumungo.
"Ginagawa ko lang po ang trabaho ko, pero thank you po." Saad ko at nginitian ako ni Tita.
Nakakatuwa makatanggap ng ganitong komplimento lalo na at galing sa tulad niya. Mas lalo tuloy akong naganahan na magpursige pa sa pagtatrabaho.
Naalis ang tingin niya sa'kin at nabaling kay Rose, "So, Armani, who's this lovely lady? Ipakilala mo naman sa'min." Aniya sa parang nanunuksong tinig.
Lahat kami ay napatingin kay Rose na mukhang nagulat sa biglaang atensyon na binibigay sakanya. Ngumiti siya at naglakad palapit kila Tita at inilahad pa ang kamay niya.
"Rose Cachuengco po. It's nice to meet you, Madam." Aniya at pagkatapos ay si Tito ang kinamayan, "Sir." Saad pa niya.
Gulat akong napatingin kay Rose. Maliban sa ngayon ko lang narinig ang buong pangalan niya, nakakagulat din at ngayon ko lang ata siya narinig na magsalita ng Ingles. Hindi lang 'yon, maganda rin ang pananalita niya
Tumawa nang mahinhin si Tita, "Drop the formalities. Call me 'Tita' na lang din. You may call him 'Tito' rin. It seems you're close with Armani and para na rin namin siyang anak so consider yourself as part of the family na rin." May halong tukso ang boses ni Tita habang nagsasalita. Mukhang iniisip niya na may mas malalim na relasyon ang dalawa.
"That's too generous po, pero thank you, Tita. Tito." Ani Rose at nakakagulat talaga na makita siyang ganito. Parang nawala ang angas niya at ang kalmado niya. Mas lumambot siya tingnan.
BINABASA MO ANG
Limos (Sumilao Series #2)
RomantikBagong mundo, bagong buhay. Yan ang tanging layunin ni Daisy nang bumaba siya mula sa kabundukang kinalakihan niya. Ngunit 'di niya naman inasahan na talagang babaliktad ang mundo niya. Sa rami ng engkwento na kanyang naranasan, 'di niya inakala na...