KABANATA 3

60 5 0
                                    


Daisy 



Proyektong Alay Dilaw Para sa Proyektong Alay Dilaw. Nilulugod naming inaanunsyo ang pagsisimula ng pagbibigay bukas at pag-asa sa bawat indibidwal na nangangailangan, pati na rin sa Inang Kalikasan.'


Napukaw niya ang interes ko. 


'Diba, ito yung nasa telebisyon kagabi? Kung 'di ako nagkakamali.


 Habang binabasa ang nakasulat ay nabuhay ang pag-asa sa kaloob-looban ko. 


Nakatukoy sa nakapaskil na naghahanap sila ng mga taong nawalan o nawawalan ng oportunidad na mamuhay nang maayos dahil sa kawalang proteksyon sa mga manggagawa lalo na mga magsasaka. Pati na ang mga naapektuhan ng mga gawaing tulad ng pagmimina, pagtotroso at kaingin. 


Ibig sabihin, puwede ako rito! Bilang taga bundok, alam ko ang paghihirap dahil naranasan ko ito mismo dahil sa paunti-unting pagkawala ng buhay sa kagubatan. 


"Miss, umaapaw na ang tubig!" Napaigtad ako nang may kumuwit sa'kin kaya nabalik ako sa reyalidad. Namilog ang mga mata ko nang makitang basa na ang kamay ko at sahig dahil sa umaapaw na tubig sa baso. 


'Ala! 'Di ko na napansin! Masyado akong nagpokus sa binabasa ko!


"P-pasensya!" Paghihingi ko ng paumanhin at tinanggal sa pagkakadiin ang baso sa dispenser. Tumigil na ang pagtulo ng tubig at dali-dali akong bumalik sa kinauupuan ko dala ang baso. 


"Anong nangyari, Daisy?" Nag-aalalang tanong ni Anti.


Umiling naman ako,  "Wala po, Anti. Ah! May nabasa po kasi ako. Mukhang 'di ko kailangang bumalik sa bundok." Nakangiti kong sagot sakanya. 


Nagtaka naman siya at lumingon pa sa kung saan ako nanggaling at bumalik ang tingin sa'kin,  "Anong ibig mong sabihin, anak?" Tanong niya pa. 


"Tingin ko po, may oportunidad hong binigay sa'kin. Baka kako 'di ko kailangang bumalik kaagad sa bundok kasi baka may trabaho akong pwedeng pasukan." Sagot ko naman sakanya. 


Mukhang nagtataka pa rin siya, pero ngumiti na lang siya sa'kin.  "Sige, mukhang masaya ka naman. Mabuti dahil 'di mo kailangang bumalik sa bundok. Ang ganda mo masyado para matago lang sa kabundukan ang kagandahan mo." Aniya.


'Di ko alam kung ano ang itutugon nang marinig ang salitang 'ganda'. Ewan, noong una natutuwa ako o 'di ko pinagtutuunan ng pansin masyado pag sinasabihan akong ganyan. Pero ngayon, ewan na. Mukha kasing tama talaga si Inang sa habilin niya sa'kin. 


Nang maubos ang kinakain ay nagpahinga pa kami nang ilang minuto bago tumayo. 


"Mukhang malaking pabor ang sasabihin ko sa'yo Daisy pero, sana magawa mong bumisita sa bakery. Okay lang kung gaano katagal at kung kailan pa, basta kung kailan ka handa." Aniya. 

Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon