KABANATA 47

23 1 1
                                    

Mateo


I feel validated and useful. Ang saya sa pakiramdam.


"Daisy, lagi akong nandyan para sa'yo. Gusto kong lagi akong nasa tabi mo sa mga oras na kailangan mo ng taong susuporta sa'yo."


Habang bumabyahe kami ay na-briefing ko na si Daisy. Kita ko sa mukha niya na talagang ayos lang sakanya kahit saan ko siya dalhin basta makalayo lang siya kaya bumalik na naman ang sakit sa puso ko.


Natutuwa ako kasi ako yung nagsilbing escape niya. Pero, ang sakit lang isipin na kinailangan niyang lumayo sa lugar na tinuturing niya nang tahanan dahil lang sa ayaw siyang paniwalaan ng mga kasama niya. Yung parang tinraydor siya kahit na wala naman siyang ginawang masama.


"Oh 'wag kayong issue, ha? Si Daisy 'to, kaibigan ko. 'Wag niyong pagtitripan kundi malalagot kayo sa'kin." Pakilala ko sa mga kasamahan ko na mabilis ko ring naging close kay Daisy.


Kampante ako dahil alam kong mabubuti silang mga tao. Kaya alam kong magiging okay din si Daisy rito at komportable.


"First time kong makakita ng dyosa na anghel sa tanang-buhay ko. Lord, salamat at nabuhay ako sa mundong 'to."


"Grabe ka naman sa'min, Mak-mak! Sa'min nga, ikaw pa yung malakas ang trip eh. By the way, hello, Ate Ganda! Ako nga pala si Rex, sa iyong serbisyo."


"Dami mong alam! Pero, hello rin ate miss pretty sunshine na baby girl ni Kuya Mak-mak. Ako si Kiko, nice to mitchu!" 


"Hoy tigilan niyo nga yang baby girl baby girl niyo! Anong baby?" Saway ko sakanila kahit na kilig naman ako sa loob ko. Pero kung ako lang naman ang tatanungin ay ayos na ayos sa akin.


"Ay bakit? Hindi pala? Totoo yung friend lang? Akala namin pa showbiz mo lang 'yun eh."


"Hindi ko siya baby girl kasi ako dapat yung magiging baby niya. Soon." Syempre mas ayos talaga kapag ako naging baby niya.


Tang ina, na-iimagine ko pa lang na bini-baby ako ni Daisy ay parang gusto ko nang lumipad. Ang taas ko talagang mangarap.


Hinayaan kong kantyawan ako ng mga bata habang nakatingin ako kay Daisy na halatang 'di makasabay sa usapan namin. Ito talaga ang isa sa mga panahon na thankful ako na hindi maka-relate si Daisy sa pinag-uusapan namin. Nagkakaroon ako ng confidence na magyabang eh kasi hindi niya naman maiintindihan.


Kaso medyo nawala ata ang yabang ko nang ipakilala ko si Daisy kay Andrea.


"Bakit ka nga pala nagdala ng kaibigan mo rito? Nasabi mo ba 'to kay Papa?"


"Ah sensya na, Andrea. Pero puwede bang dito muna magstay si Daisy ng ilang araw? May problema lang kasi. At sasabihan ko naman si Bossing. Sigurado naman ako na papayag 'yun."


"Paano kung ako ang 'di pumayag?"  Tanong ni Andrea na seryoso pa ang mukha kaya pati ako ay nagkaroon ng pagdadalawang-isip kung magiging ayos lang na dalhin ko rito si Daisy.

Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon