Daisy
Lumaki naman ang mga mata ko dahil sa tanong niya.
"'Ala! Ayos lang ako rito naku 'di natin kailangang magpalit ng puwesto." Mabilis kong sagot.
Nakakahiya kaya. Ako uupo sa harap ni Armani? Kaya ko na rito sa likod niya, no. Ayos na ako rito.
"Okay just making sure. Baka kasi mag-aya makipagkarera si Miguel. These horses can run fast. Baka mahulog ka if you're not holding tight." Aniya.
Sa tingin ko, wala nang mas nakakatakot kaysa roon sa naranasan ko. Nakaya ko nga ang malubak na daan at nakaya ko namang kumapit. Kaya ko rin panigurado ang mabilis.
"Ayos lang ako, promise." Pagpapanatag ko ng loob niya.
Kaso mukhang babawiin ko agad ang sinabi ko.
Lumapit sa'min sila Miguel at Dana na nakasakay kay Secretariat. Nasa harap si Dana at nasa likod niya si Miguel. Halatang kinakabahan si Dana.
"Pag ako talaga naano--"
"You're safe. 'Di ko hahayaang mahulog ka o kung ano pa. As long as you're with me."
"Taena ka pasalamat ka kinikilig ako sa'yo."
Nagsimula na kaming mag-ikot sa rancho. Sa una ay mabagal lang na naglalakad ang mga kabayo. Siguro ay para masanay kami. 'Di rin tulad dati na masakit sa puwet ang sumakay kasi ramdam talaga ang buto ng kabayo pag naglalakad, ngayon komportable ako. May maayos kasi na mauupuan.
Unti-unting bumilis ang takbo ng kabayo kaya napakapit na ako kay Armani. Akala ko ayon na ang bilis ng kabayo kaso mas bumilis na naman.
"Let's race?!" Malakas na saad ni Miguel. Pumantay siya sa kabayong sinasakyan namin.
"Bet!" Sagot naman ni Armani. "Hold on tight, baby." Ani Armani. Kumapit naman ako sa damit niya.
Kaso naramdaman ko ang mainit na kamay niya na tinanggal ang pagkapit ng kamay ko pagkatapos ay hinila niya ito hanggang sa maramdaman ko ang matigas niyang tiyan. Ganoon din ang ginawa niya sa isa kong kamay kaya nakayapos na ako ngayon sa beywang niya.
"Don't let go, okay? Hiyah!" Hindi na ako nakasagot at awtomatikong napahigpit ang pagyapos ko sakaniya nang bumilis na ang takbo ng kabayo. Sa sobrang bilis eh ramdam na ramdam ko ang paghampas ng hangin sa mukha ko.
Yumuko ako ng kaunti, yung sapat lang para matago ako sa likod ni Armani. Halos parang linta na ako na nakadikit sakaniya dahil sa takot na baka mahulog ako.
Tama nga si Armani. Kaya pala ilang beses akong tinanong kung ayos lang na nasa likod niya ako.
Napatili pa ako nang tumalon ang kabayo kaya mas humigpit pa ang kapit ko kay Armani. Parang ayaw ko na ngang humiwalay sakaniya dahil sa takot na baka mahulog ako.
BINABASA MO ANG
Limos (Sumilao Series #2)
عاطفيةBagong mundo, bagong buhay. Yan ang tanging layunin ni Daisy nang bumaba siya mula sa kabundukang kinalakihan niya. Ngunit 'di niya naman inasahan na talagang babaliktad ang mundo niya. Sa rami ng engkwento na kanyang naranasan, 'di niya inakala na...