KABANATA 11

42 7 3
                                    

Daisy


Hindi makagalaw at hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari, tulala pa rin ako at hindi na nakaangal nang bigla siyang tumakbo patungo sa'kin at niyakap nang mahigpit. Sa sobrang higpit, halos 'di na ako makahinga.


"Daisy! Hi-hindi ko, hindi talaga ako... Grabe... Ikaw nga..." Aniya, hindi matapos-tapos ang gustong sabihin. Rinig kong tumawa siya at dahil dikit na dikit ako sa dibdib niya, ramdam ko ang mabilis at malakas na tibok ng puso niya.


Kumalas na siya sa yakap at halos mawala ang mga mata niya dahil sa lawak ng ngiti niya habang nakatingin sa'kin. Ang ekspresyon niya, parang 'di pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon.


"Magkakilala kayo ni ganda, Mak-mak?" Parang doon lang ako nabalik sa reyalidad at muling nag function ang katawan ko.


Si Maky naman ay tumingin doon sa at tumango, "Kaibigan ko po siya, Boss. Yung sinabi ko sa'yo..." Aniya at lumiwanag naman ang mukha ng kausap niya.


"Ah, siya pala? Kung suswertihin nga naman. Mukhang tadhana na ang naglapit sainyo. Pero hoy, ba't bigla mong binitawan ang crate? Paano pala kung nadamage ang laman niyan?" Saad nito at mukhang doon lang diin naalala ni Maky ang tungkol doon.


"Pasensya na, Bossing. Nadala lang ng emosyon." Saad ni Maky at binalikan ang nabitawan niya kanina.


Base sa sitwasyon, mukhang dito nagtatrabaho si Maky. Ang tanong ay kung kailan pa? Dahil kung 'di ako nagkakamali eh, sa namamalimos lang siya sa kalsada. Hindi ko naman maalala kung may nabanggit siya sa'kin tungkol sa trabaho dahil parang sigurado naman ako na wala. 


Matapos ang pagpapakilala at pangangamusta ay nagsimula na ulit ang trabaho. Kanina ay tinawag pala ako ni Lucio para ako ang mag 'track' ng lahat ng ginagamit at gagamitin namin. Kung ilan, magkano, kailan tungkol sa supplies, fertilizer, tanim, at iba pa. Kung bakit ako ay 'yon ang hindi ko alam. Pero 'di naman na ako nagreklamo dahil magaling naman ako pagdating sa numero at pagtatanda ng mga bagay-bagay. 


Mamaya raw pag natapos na kami sa araw na 'to, ibibigay niya sa'kin yung hawak niya kanina at doon ko ililista lahat. Pagkatapos ay ibibigay sakanya sa opisina niya bago maghapunan. 


Iniwan niya na kami dahil may gagawin pa raw siya. Kausap niya pa rin ang 'bossing' nila Maky at mukhang sa opisina niya sila mag-uusap. Dahil doon, nagkaroon pa kami ng oras ni Maky na mag-usap. O para sundan niya ako nang sundan na para bang isang tuta na nakasunod sa amo niya.


"Kaya ko na kasi 'to, Maky. Nadagdagan pa trabaho mo, 'di mo naman 'to responsibilidad." Saway ko sakanya.


Kanina pa kasi niya ako di tinatantanan dahil gusto niyang tumulong sa'kin. Pansin ko rin na napapadaan ang tingin ng mga kasamahan ko sa'min habang tahimik silang nagtatrabaho. Mukhang nagtataka at gustong ikuwestyon kung sino itong lalaking ito.


"Tulungan na kasi kita para mabilis kayong matapos. Tingnan mo oh, mahaba-haba pa ang pupunuin niyo."


At sa totoo lang, 'di ko rin naman sila masisisi. Katulad noong unang engkuwentro ko sakanya, kung saan nakukuha niya ang atensyon ng mga taga siyudad. Kahit na punit-punit man ang damit at madungis ang mukha, litaw pa rin ang pagiging magandang lalaki niya. 

Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon