Daisy
Huminto na ang kalesa o tartanilla, sabi ni manong, sa harap ng Jollibee. Iba siya sa pinuntahan namin ni Armani pero may pagkakapareha pa rin. Nagpasalamat kami sa kay manong pagkatapos magbigay ng pamasahe. Pagkababa ay sinundot niya ako ng mahina sa braso.
"Sigurado ka bang papasok tayo? Ako?" Aniya.
Tinapik ko naman siya sa likod niya at tumango, "Oo naman. Kakain naman tayo rito at magbabayad. Customer tayo. Bakit 'di tayo papapasukin?" Tanong ko.
Hinila ko na siya papunta sa entrance. Tumingin sa'min ang guard at nakita kong may tiningnan siya sa loob. Bago tumingin ulit sa'min.
"Good morning, Ma'am. Kasama niyo po siya?" Tanong niya sa'kin.
Tumango naman ako bilang sagot at ngumiti sakanya. Pagkatapos noon ay pinapasok niya na kami sa loob. Pagkapasok ay nagtinginan agad sa'min ang halos karamihan ng mga tao sa loob. Ramdam ko rin ang paghawak ng kasama ko sa blusa ko na parang bata.
'Di naman ako bulag para 'di makita at mapansin na naiilang siya sa tingin ng mga tao. Alam ko sa pakiramdam 'yan. Pero nandito na kami, at gusto kong ipakita sakanya na 'di dapat siya mailang kasi nandito naman ako.
"Tara hanap tayo ng mauupuan." Sambit ko sakanya. Naglakad kami at pumunta sa gilid kung saan nakita namin ang hagdan.
"Akyat tayo." Aya niya kaya tumango ako at pumanhik. Sa taas ay bumungad sa'min ang halos bakante na lugar kaya natuwa ako sa loob-looban ko. Para 'di kami mailang at pagtinginan ng mga tao.
"Dito ka lang. Bibili lang ako ng pagkain mo." Saad ko sakanya bago bumaba ulit at pumila.
Mabuti na lang talaga at kahit papaano ay alam ko na ang gagawin. Naturuan ako ng maayos ni Armani. Kaya kahit baguhan ay hindi ako nakaramdam masyado ng pagkataranta. Pero aaminin ko, kinakabahan pa rin ako. Lalo na noong tinanong ako kung ano ang bibilhin ko.
"Uhm, yung Chicken Joy with rice." Sagot ko. Dahil 'di mapakali ay pinaglaruan ko ang kuko ko.
"Drinks niyo po Ma'am?"
"Po?"
"Drinks po. Iced tea, Coke, ano po ang drinks niyo?"
"C-coke..?"
Tinanong niya pa ako kung mayroon pa akong idadagdag. Kaya nagdagdag ako ng dalawang sundae.
"Dine in po or take out?" Tanong niya ulit.
Grabe, ang daming tanong. Ganito ba talaga?
"Po..?" 'Di sigurado kong sagot.
Nataranta naman ako sa loob-looban ko nang magtinginan ang babae at katabi niya pagkatapos ay nakangiti siyang nakatingin sa'kin.
"Dine in po or take out. Dito niyo po kakainin? O itetake out niyo po para mabalot namin." Pagpapaliwanag niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/301967602-288-k883480.jpg)
BINABASA MO ANG
Limos (Sumilao Series #2)
RomanceBagong mundo, bagong buhay. Yan ang tanging layunin ni Daisy nang bumaba siya mula sa kabundukang kinalakihan niya. Ngunit 'di niya naman inasahan na talagang babaliktad ang mundo niya. Sa rami ng engkwento na kanyang naranasan, 'di niya inakala na...