Daisy
Lumingon si Armani sa'kin, "You're quiet. Is something wrong? Is it too difficult for you?" Tanong niya at umiling naman ako.
"Ano kasi Armani eh... P-pictures?" Pag-uulit ko.
"Yes, pictures. Will it be okay lang ba for you?" Tanong niya ulit at nakagat ko and ibabang labi ko.
Ngayon lang ata ako nakaramdam ng hiya dahil wala akong cellphone. Parang ngayon ko na talaga narealize kung gaano ka importante ang bagay na 'yon.
"W-wala kasi akong cellphone, Armani. Pasensya..." Mahina kong tugon. Ngunit sapat na ata 'yon para marinig nila dahil pansin ko ang pagtaas ng dalawang kilay ni Miguel habang nakatingin sa salamin.
"Bibilhan ka namin." Ani Miguel na nagpalaki ng mga mata ko.
Diyos ko, nakakahiya... Bibilhan ako ng cellphone ng boss ko?
"N-nako Miguel, nakakahiya naman--"
"'Di na po kailangan. May cellphone naman ako, Ser. Ayos naman siguro 'yon, 'di po ba?" Napalingon ako kay Rose na biglang nagsalita. Muli naman akong nagulat.
May cellphone pala si Rose? Bakit hindi ko nakikitang ginagamit niya?
"Yes, ayos lang 'yon, Rose. Salamat." Sagot ni Miguel.
"But, are you sure, Daisy? We can buy you a phone para may spare kayo. And sweetheart, you need one. Importante ang phone. How can you contact anyone if may emergency?" Bahid ang pag-aalala sa boses ni Armani.
Tama naman siya. Talagang napagtanto ko na kung gaano ka importante ang cellphone. Kaso, maliban sa nahihiya ako, ayaw ko namang binibigay lang sa'kin ang mga bagay na 'yon. Gusto ko, galing sa sarili kong pera.
Masyado na akong maraming utang na loob sa'yo, Armani. Marami ka nang nabigay at nagawa sa'kin. Ayaw ko nang dagdagan 'yon.
Umiling ako, "Ayos lang, Armani. Nandyan naman si Rose eh. Kung may kailangan ako o emergency, pwede naman sigurong i-contact kita sa cellphone niya." Sagot ko at napa 'aray' ako nang mahina nang sikuhin ako ni Rose.
"Anong ako?" Mahinang saad ni Rose sa'kin na namimilog pa ang mga mata.
"That's fine by me. Pero, okay lang ba sa'yo, Rose?" Tanong ni Armani kaya mabilis kaming lumingon ni Rose sakaniya.
"Ah... Ayos lang naman, S-ser..."
"Good. Give me your number." Ani Armani at inilabas ang cellphone niya.
Nang makuha ang number ni Rose ay tinawagan ito ni Armani at pinatay naman kaagad ang tawag nang tumunog ang phone ni Rose.
BINABASA MO ANG
Limos (Sumilao Series #2)
RomanceBagong mundo, bagong buhay. Yan ang tanging layunin ni Daisy nang bumaba siya mula sa kabundukang kinalakihan niya. Ngunit 'di niya naman inasahan na talagang babaliktad ang mundo niya. Sa rami ng engkwento na kanyang naranasan, 'di niya inakala na...