KABANATA 35

40 3 1
                                    

Daisy


'Di ko na masyadong maalala kung ano ang nangyari pagkatapos nun. Nang dumilim na nang tuluyan, pati ako ay naipit sa madilim na parte ng isip ko, walang ibang iniisip-kundi itong nararamdaman ko.


"Kain, Daisy! Masarap yan. Recipe ko." Aniya at nilagyan ng niluto niyang manok sa plato ko.


Nag-iwas ako ng tingin at mahinang nagpasalamat. Pagkatapos ng reyalisasyon ko, ewan pero nahihiya na akong tumingin kay Maky. 


'Di ko alam kung anong klaseng sumpa 'to o ano, pero parang gumagwapo nang gumagwapo siya sa paningin ko. Ganito ba talaga kapag napagtanto mong mahal mo na ang isang tao? Medyo nakakakilabot pala.


Napalunok ako at namimilog ang mga matang kumagat sa manok dahil sa napagtanto.


Ano, Daisy?! Inamin mo na talaga sa sarili mo na mahal mo na siya?


Akala ko ay buong magdamag ko nang poproblemahin 'yon ngunit nang malasahan ko ang manok ay dito na natuon ang atensyon ko.


"Ang sarap, Maky..." Mangha kong sambit at humalakhak naman si Maky.


"Syempre, baka Maky 'to? Naalala ko, isa yan sa madalas kong lutuin dati. Kanina noong nasa kusina ako, bigla na lang gumalaw ang mga kamay ko at niluto yan. Grabe, no? Kahit nakalimot na ang utak, alam na alam pa rin ng ibang parte ng katawan mo." Kwento ni Maky at sumubo rin ng manok.


Lumipas ang oras na parang pinagsisilbihan lang ako ni Maky. Gusto kong maghugas ng plato, ngunit nagpumilit na siya na raw. Pinaupo pa ako sa bonfire at sinabing doon ko na siya hintayin.


At wala na rin naman akong nagawa dahil inunahan niya na akong dalhin ang mga pinagkainan namin sa lababo. Malapit pa ngang mahulog ang baso na nakapatong dahil sa pagmamadali niya. Kaya sumunod na lang ako at lumabas ng cabin patungo sa bonfire.


May dalawang taong nakaupo ro'n, babae at lalaki. Naupo ako sa upuanan sa may tapat nila. Nang makita ako ay ngumit sila kaya ngumiti rin ako.


Madilim ang paligid ngunit nakikita pa rin naman ang mga bundok dahil malakas pa rin ang liwanag ng mga bitwin sa kalangitan.


"Hi! Ang cute niyo ng boyfriend mo. Anniversary niyo ba kaya nagbonding kayo rito?" Tanong ng babae kaya nabigla naman ako.


Uminit ang pisngi ko nang mabanggit ang salitang 'boyfriend'.


Umiling ako nang ilang beses, "Ay, hindi po kami. Magkaibigan lang po." Saad ko, parang labag pa sa loob ang huling sinabi pero sa loob-looban ko na lang 'yon.


Mukhang nagulat naman siya at pinisil pa ang braso ng lalaking kasama niya, "Ha? Talaga? Sorry! Mukha kasi kayong magjowa. Kanina ko pa kasi napapansin na grabe ka asikasuhin ng kaibigan mo." Aniya at rinig ko pa ang kaunting pagdiin niya sa salitang 'boyfriend'.


Napalingon ako sa cabin kung saan nakikita ko sa malayo ang nakatalikod na si Maky, abala sa paghuhugas.

Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon