Daisy
"Ate, inaya ka ni Sir Armani na sakanya sumabay, no?" Biglang tanong ni Femie na ikinagulat ko.
"Ha?"
"Si Sir Armani, sabi ko. Napansin ko lang kanina eh." Dagdag niya.
Napansin niya 'yon? Hmm, 'di naman siguro gaanong isyu 'yon, 'diba? Kasi nasabi ko na rin naman sakaniya na kaibigan ko si Armani
"Ah, oo... Hahaha, alam mo na, magkaibigan 'diba kami? Atsaka, ang tagal din naming 'di nagkita kaya siguro inaya ako." Pagpapaliwanag ko kahit na 'di naman kailangan.
"Ganoon ba? Sayang. Doon sana tayo nakasakay ngayon. Ang pogi niya pa naman. 'Di mo ba siya naging ano, kahit naging crush lang?" Tanong ni Femie na ikinagulat ko ulit.
Ano raw? Crush? Si Armani?
Napaisip naman ako. 'Di ko alam eh. Siguro? Kasi nandoon na ang admirasyon ko sakanya.
Una, oo pogi siya. 'Di na kailangan na pag-usapan 'yon kasi talagang maitsura siya. Pangalawa, hindi siya matapobre. Napakabait niya at maalagain. Hindi siya tumitingin sa estado ng isang tao.
Kaya, siguro? Sino ba naman hindi makakaramdam ng pagka 'crush' sa isang tulad niya?
Pero ayaw ko maging ma isyu at isipin ni Femie na may malisya kaya umiling ako, "Hindi. Pero talagang napakabait niya at mabuting kaibigan. Maaasahan talaga." Maingat kong sagot.
Tumango-tango naman si Femie at hindi na nagtanong at nagsalita. Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Ayaw ko kasi talaga ang ginigisa ako.
'Di naman nagtagal ang byahe. Pagtingin ko sa bintana ay nasa harap na namin ang gate. Bumukas ito at unang pumasok ang kotse ni Sir Miguel. Sumunod ang kotse ni Armani, ang naunang Coaster at ang amin.
At pagkapasok namin, hindi ko na naiwasang mamangha. Literal na napanganga ako.
Nasa gitna ang sementadong daan at sa magkabilang gilid ay ang mga mayayabong na mga puno. Kung 'di ako nagkakamali ay puno ng mangga at pomelo ata? Dahil malayo kami at mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan kaya 'di ko naklaro ang mga bunga nito.
Malayo-layo rin ang distansya mula sa gate nila hanggang dito sa may tubig at mga estatuwa na nakapuwesto sa gitna, sa tapat ng malawak na bahay.
Hindi ito bahay, Daisy. Parang 'di ata dapat bahay ang tawag dito.
Muli akong nilamon ng pagkahanga nang makababa kami. Hindi lang ako ang ganito ang reaksyon ngayon. 'Di lang ako ang namamangha sa sobrang ganda ng lugar. Napakamakulay. Sa kabilang gilid mayroon pang parang garden na punong-puno ng iba't-ibang klase ng mga bulaklak.
Ang mansion naman, sobrang kakaiba ng itsura. Hindi ito tulad ng tipikal na nakikita kong mga bahay. Parang makaluma, na hindi. Wala naman kasi akong kaalam-alam sa mga ganito. Pero isa lang ang alam ko. Ang ganda. Hindi nakakasawa.
"Welcome to hacienda de Samson, everyone! Dito nagsimulang mabuhay ang proyekto kaya naisip namin na, dalhin kayo rito. Ang ganda, 'diba? Kahit ako naaamaze pa rin eh." Ani Dana sa'min.
BINABASA MO ANG
Limos (Sumilao Series #2)
RomanceBagong mundo, bagong buhay. Yan ang tanging layunin ni Daisy nang bumaba siya mula sa kabundukang kinalakihan niya. Ngunit 'di niya naman inasahan na talagang babaliktad ang mundo niya. Sa rami ng engkwento na kanyang naranasan, 'di niya inakala na...