KABANATA 12

32 4 0
                                    

Daisy


Napatayo ako mula sa kinauupuan ko nang maglakad siya papunta sa direksyon ko. Pinagpag ko pa ang puwetan ko at umayos ng tayo.


"Mukhang nagiging regular na occurence na na makita kita rito sa labas ng dis-oras ng gabi, Daisy. Good morning." Mahinang saad niya. 


Nahihiya naman akong tumawa. 'Di alam kung ano ang isasagot. Pero binati ko na lang din siya ng 'good morning' dahil umaga na rin naman. 


"Ikaw Lucio? Saan ka galing?" Tanong ko dahil hindi ko alam kung ano pa ang puwedeng sabihin sakanya. Bigla kasing tumahimik bigla sa pagitan namin kaya hinayaan ko na lang na lumabas sa bunganga ko ang gustong lumabas dito.


Tinuro niya ang direksyon ng gate at nagkibit-balikat,  "May pinuntahan lang. Anyway, sinabi ko na rin kay Sir Miguel about sa performance mo at kahit siya na-impress din. 'Di na raw siya makapaghintay na makilala ka." Biglang saad niya na nagbigay ng 'di maipaliwanag na pakiramdam sa akin.


Si Sir Miguel? Hindi makapaghintay na makilala ako? Totoo? Parang hindi ako makapaniwala. Parang masyadong maganda para paniwalaan ko.


"Anong ginagawa mo rito sa labas? Gusto mo ba mag-ikot muna tayo? Sabi sa'kin ay sinubukan nang paandarin ang lighting sa may lake. Baka gusto mong makita kung 'di mo pa nakikita." Aniya na kumuha ng atensyon ko.


"L-lighting? Sa lawa?" Pag-uulit ko at tumango siya.


"Kaya, tara? According sa plano, for sure maganda 'yon. Dinesign kasi ng kilalang landscape architect ni Sir Miguel."


Nakumbinse niya ako dahil doon kaya sumabay ako sakanya. Habang naglalakad ay tahimik lang kaming dalawa. 'Di ko nga alam kung matutuwa ba ako na tahimik siya, o mas gusto ko na maingay siya. Pero nawala naman 'yon sa isip ko at 'di na ako nabahala nang makita sa malayo ang lawa.


Kahit sa malayo, nalaglag na ang panga ko dahil sa mga bilog na ilaw. Parang mga buwan na nakapalibot sa lawa at nakasabit sa mga puno. Nang makalapit na ay nakikita ko rin ang mga isda na lumalangoy dahil sa ilaw sa may ilalim ng tubig sa gilid.


"Sa long-term na plano ni Sir Miguel, gusto niyang isalang sa turismo ang lugar. Para makatulong sa pag promote sa Alay Dilaw, at para na rin sa tourism dito sa Sumilao. Maliit kasi ang munisipalidad at madalas 'di napapansin. Kaya pagagandahin ang lugar para magsilbi ring tourist spot." Paliwanag niya.


Kaya pala talagang pinapaganda nila ang lugar. Akala ko talaga simple lang kaya talagang nagulat ako noong unang pagtapak namin dito sa loob. Baka pag natapos, magmukhang 'di na kami nababagay dito dahil sa sobrang ganda.


'Di naman kami nagtagal doon at naglakad na kami pabalik. Kahit na hindi naman kailangan, sinamahan niya pa rin ako papunta roon sa bahay.


"Salamat Lucio. Nag enjoy ako. Nakakatuwa pala makita ang lawa sa gabi. Baka 'yon na ang magiging paborito kong lugar dito." Pasasalamat ko sakanya. Tumango naman siya at sumenyas na mauuna na siya. 

Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon