KABANATA 4

67 6 3
                                    

Daisy


"H-ha? Seryoso ka?" Tanong ko sakanya. 


"Yes. Ba't naman ako magbibiro, 'diba? It's just my offer since magpapahinga lang naman ako buong araw. So, instead of laying in bed and chill, bakit hindi ko gawing produktibo ang araw? Matututo kang magluto, 'di masasayang ang araw ko bukas. I think it's a win-win for the both of us." Mahabang saad niya. 


Kumurap-kurap ako, pinoproseso sa utak ko ang mga sinabi niya.


Talagang seryoso nga siya? Sandali nga, baka 'di ko alam isang anghel pala ang isang 'to na nagkungyaring isang tao. Masyado siyang mabait. 'Di ako makapaniwala. 


Bago ko namalayan ay lumabas na pala sa bibig ko ang nasa loob ng isipan ko.


"Anghel ka ba?" Bigla kong tanong sakanya. 


Nagtaka naman siya sa sinabi ko.   "Anghel?" Ulit pa niya. 


At dahil nabanggit ko na 'yon ay siyempre, 'di ko pa ba sasagutin? 


"Kasi ang bait mo sa'kin. Atsaka, ang mukha mo, parang pang-anghel talaga. Parang 'di ka nararapat na tumira rito sa mundo namin..." Sagot ko na nagpatawa naman sakanya. 


"'Di ko alam kung pick up line ba yan o seryoso ka. But it seems like you're actually being genuine with your question. So, I'll give you an answer." Aniya at uminom pa ng tubig habang 'di inaalis ang tingin sa'kin. 


Naghihintay ng sagot niya, muli naman akong sumubo ng kanin at ulam.


"Sa'ting dalawa, mas bagay ang salitang 'anghel' na ilarawan sa'yo." Sagot niya na naging dahilan kung bakit malapit na akong mabilaukan. 


Gi'atay...


Ramdam ko ang isang butil ng kanin na bumara ata sa may taas banda ng lalamunan ko. Uminom naman ako ng tubig para malunok ang kanin. 


"Ha?" Nakangiwi kong saad. 'Di ako komportable kasi 'di pa rin natatanggal yung kanin. 


"Are you okay?" Tanong niya kaya tumango naman ako kahit na hindi. Pagkatapos ay muli siyang nagsalita.


"I mean, nanggaling ka sa bundok, right? So bumaba ka rito. Literally. Besides, masyado kang inosente at walang kaalam-alam dito sa urbanized na lugar. Aside from that, your face looks angelic as well. So 'angel' is mas bagay sa'yo." Sagot niya na hindi ko alam pero nagpainit sa pisngi ko.


Sa lagay kong 'to? Para sakanya, mas mukha pa akong anghel?


"E-ewan... Parang hindi naman." Nahihiya kong sambit at nagpatuloy sa pag kain. 


Natapos na siyang kumain kaya tumayo na siya.  "Anyway, sa offer ko. Ano, payag ka? Tuturuan kita." Aniya kaya muli akong napatingin sakanya.

Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon