Daisy
"Ate magkasama tayo ha? Room meyt room meyt..." Ani Femie habang nakakapit sa braso ko. Nakaalis na si Lucio pati ang bus, kaya kami ngayon na naiwan ay naglalakad pabalik para mag-ikot.
Sumilay ang ngiti sa labi ko nang mamataan na naman ang lawa. 'Di ko na napigilan na lumapit dito at tingnan ang tubig. Talagang natural ang maliit na lawa dahil sa kulay nito. Mukhang malalim din. Nakakatawa nga tinatawag siya na maliit, pero ang lawak-lawak niya pa rin.
Nabanggit ni Lucio sa'min na may mga tilapia raw dito. Si Miguel Samson daw kasi ay nagbabalak na pumasok sa aquaculture, kaya sinubukan niya rito sa maliit na lawa kung magugustuhan niya ba. Pero 'wag daw kami mag-alala, dahil ang harvest ay para sa'min. Isa itong lawa sa pagkukunan namin ng makakain namin habang narito kami.
Nakaramdam ako ng tuwa nang makita ang iilang mga isda. Sa malayo ay may isang lalaki na nagbabangka. Siya ata ang tagapangalaga o 'in-charge' sa lawa at mga isda.
Si Femie nama'y tumatalon habang hawak ang kamay ko. Hinihila niya ako papunta sa mga gusali para daw magpa 'picture' kaya kanina pa 'di mawala-wala ang ngiti sa labi ko.
Naaalala ko sakanya si Len. Siguro naawa sa'kin ang Diyos kaya binigyan ako ng isa pa.
Dahil 'di ako maalam sa cellphone, puno ng pag-iingat kong hinawakan ang cellphone ni Femie habang hinihintay siya na mag 'pose' sa harap ng malaking bahay.
Itinaas niya ang isang kamay niya at nag letra 'V' ang kanyang hintuturo at hinlalato. "Ano Ate? Mukha na ba akong hasyendera?" Pabirong saad niya kaya natatawa naman akong tumango sakanya.
Nagbilang ako ng tatlo at ipinindot ang sinabi ni Femie na pindutin ko. Ilang beses ko rin 'tong ginawa habang paiba-iba siya ng 'pose'. Nang makuntento ay lumapit siya sa'kin at tiningnan ang mga litrato na kuha ko.
"Ang ganda! Ikaw din tara picture-an kita!" Aniya at hinila ako papunta roon sa pinwestuhan niya atsaka bumalik sa kinatatayuan ko.
Ako naman, nahihiya, ay hindi alam ang gagawin. Kaya ginaya ko na lang ang ginawa niya kanina at ngumiti. Hindi ko alam kung ano ang itsura ko sa kuha ni Femie, pero anong magagawa ko e 'di naman ako sanay sa ganito.
"Wow, ang ganda mo talaga, Ate. Siguro pag naka iPhone tayo, mas lalong lilitaw ganda mo. Kahit nga na ganito ang CP ko, maganda ka pa rin. Ipost ko kaya sa Tiktok?" Aniya kaya mabilis naman akong lumapit sakanya at umiling.
"'Ala uy, wag nakakahiya..."
"Panigurado ate, marami magrereact pag pinost ko 'to. Ang ganda mo eh."
"Ano ba yan, hayok lang sa like? Ginamit pa ang kana..." Nagulat kami nang nagsalita at dumaan sa likod ni Femie ang tatlo. Syempre sino pa ba ang nagkomento? Walang-iba kung hindi si Rose.
Natahimik naman at napayuko si Femie at ibinaba ang kanyang cellphone, nakaramdam ata ng hiya. Kumunot naman ang noo ko at magsasalita na sana para depensahan si Femie pero nagulat ako nang itaas ni Rose ang kamay niya at iwinagayway ito nang hindi tumitingin sa'min.
BINABASA MO ANG
Limos (Sumilao Series #2)
RomanceBagong mundo, bagong buhay. Yan ang tanging layunin ni Daisy nang bumaba siya mula sa kabundukang kinalakihan niya. Ngunit 'di niya naman inasahan na talagang babaliktad ang mundo niya. Sa rami ng engkwento na kanyang naranasan, 'di niya inakala na...