Daisy
Diyos ko, Panginoon, tulong!
Paghingi ko ng tulong sa isip ko. Kahit gusto ko mang sumigaw, hindi ko magawa dahil sa takot na makainom ako ng tubig.
Hindi ko rin maimulat ng maayos ang mga mata ko dahil sa mga nakakalat na organismo sa tubig. Kahit ang pagdaan ng ilang mga isda ay ramdam ko.
'Di ako takot sa tubig ngunit ang lalim talaga ng lawa. Matangkad ako at naitukod ko na ang mga paa ko sa ilalim pero hindi ko kayang iangat ang sarili ko para makaahon. Sinubukan kong ianagat ang mga kamay ko at labis ang pasasalamat ko sa Diyos nang maramdaman kong tumama ang malamig na hangin sa balat ng kamay ko.
Sana maging sapat ito para may makakita sa'kin. Dahil hindi ko na talaga kaya at nauubusan na ako ng hangin.
Sa mga segundong ito, biglang pumasok sa isip ko si Inang, pati na ang naging buhay ko nitong nakaraang mga linggo.
Grabe naman kung dito lang matatapos ang buhay mo, Daisy. Ni wala ka pang may nagagawa sa buhay mo.
Nang maubusan ng hangin ay 'di ko na napigilan ang paghinga at ramdam ko ang masakit na pagdaloy ng tubig sa lalamunan at baga ko.
Nagsimula nang lumabo ang paningin ko nang may marinig akong tumalon sa tubig. Namalayan ko na lang na may yumapos sa'kin mula sa likuran ko at hinila ako nito pataas.
Muli akong nabuhayan nang malanghap ko ang malamig na hangin. Kahit masakit ang sikmura at ilong habang inuubo ang tubig na nainom at nasinghot ko ay hindi ko na napigilang maluha habang nagpapasalamat sa Panginoon.
Nang makalapit sa dock ay mabilis akong kumapit dito at binigay ang buong lakas ko para iangat ang sarili ko rito. Kahit ang nagligtas sa'kin ay hinahawakan ako sa bandang balakang ko at sinusuportahan ako.
"May masakit ba sa'yo? Kumusta ang pakiramdam mo?"
Parang hinigop ang lahat ng lakas ko at tuluyan akong nanghina nang makaupo sa dock. Nanginginig, lumingon ako at nagulat nang makita ang taong 'di ko inaasahan na makikita ko ngayon.
"P-paulo?" Garalgal ang boses kong tanong.
Sinundan ko siya ng tingin habang walang hirap niyang inangat ang sarili niya sa dock at tumabi sa'kin.
Dahil basang-basa siya ay hapit at bumabakat ang balat niya sa sando niya at nakaramdam naman ako ng hiya nang makita ang hulmadong dibdib at tiyan niya.
"Ang aga-aga pa para mag swimming ka sa lawa." Saad niya.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"May nagsuswimming ba na nalulunod?" Tanong ko sakaniya.
At isa pa, bakit naman niya ako niligtas kung nagsu 'swimming' lang ako, 'diba?
BINABASA MO ANG
Limos (Sumilao Series #2)
RomanceBagong mundo, bagong buhay. Yan ang tanging layunin ni Daisy nang bumaba siya mula sa kabundukang kinalakihan niya. Ngunit 'di niya naman inasahan na talagang babaliktad ang mundo niya. Sa rami ng engkwento na kanyang naranasan, 'di niya inakala na...