Daisy
Napansin niya ata ang pananahimik ko kaya muli siyang nagsalita. "Teka, 'di mo alam? Tiktok? Wala ka non?" 'Di makapaniwalang tanong niya at umiling naman ako bilang sagot.
Umawang ang labi niya, "S-seryoso? Kahit ako na hirap sa buhay, 'di pa rin nawawala sa cellphone ko ang Tiktok. Wala ka bang cellphone?" Tanong niya ulit. Muli rin akong umiling.
Ang ekspresyon niya ay parang nakakita siya ng 'di taga rito na planeta. Kumurap pa siya ng ilang beses bago nakapagsalita ulit.
"Talaga? May mga tao pa pala talaga na 'di gumagamit ng cellphone? Kahit nga ako pinag-ipunan ko talaga kahit limang libo para lang magkaroon ng cellphone." Aniya na siya namang nagpa nganga sa'kin.
L-limang libo para sa cellphone? Sapat na ata ang limang-libo para mapakain kami ni Inang ng ilang buwan...
"Eto, tingnan mo. Ito ang Tiktok. Pakita ko sa'yo yung Tiktoker na parang kahawig mo..." Aniya at lumapit sa'kin habang hawak ang cellphone niya. Pinaandar niya 'to at may binuksan. Doon ay naging itim ang screen at may nakalagay na 'Tiktok'.
Habang nagpapaliwanag siya at tulala akong nakatingin sa babaeng sumasayaw, doon ko muling napagtanto ang pagkakaiba ng pamumuhay dito sa baba kumpara sa itaas. 'Di pa rin mawala sa isip ko na ang katabi ko ay gumasto ng limang libo para sa isang cellphone. Lalo na't pareho kaming pumasok sa Alay Dilaw dahil sa pangangailangan.
Siguro ganito lang talaga ang mga tao. May iba't-ibang priyoridad.
Pero naaliw naman ako sa pinakita niya. Habang kumakain kami, nanonood kami ng mga video. May iba na nakakaaliw kasi sumasayaw, meron namang nakakatawa kaya 'di ka magsasawa.
"Pero seryosong usapan lang, Ate Daisy. Kung puwede lang sa'yo, baka makaya mong pag-ipunan ang cellphone. Sa panahon ngayon, masyadong importante na may cellphone ka. Paano pala kung may dapat ka na icontact? O may gusto kang icontact? Siguro may kamahalan nga, pero mas ayos talaga pag may cellphone ka..." Ani Femie.
Dahil sa sinabi niya ay napaisip naman ako.
May punto naman siya. Pero sa hirap din kasi ng buhay ngayon, 'di ko alam kung magiging priyoridad ko pa ang cellphone.
Pinatay niya na ang cellphone niya at nag-inat, "Grabe malapit nang maubos data ko ro'n ah. Mahal pa naman ang load. Salamat sa pagkain, ha? 'Di kasi ako nakakain kanina sa pagmamadali. Mabuti na lang andyan ka. Ang bait mo." Pagpapasalamat niya na nagpangiti sa'kin.
Umiling ako, "Hindi naman. Gusto ko lang talaga na maging magkaibigan tayo. 'Di ko alam kung gaano tayo katagal na magkasama kaya mabuti rin na maging close tayo ngayon pa lang." Sagot ko sakanya.
Maliban sa tuwa dahil sa bagong kaibigan, natutuwa rin ako dahil napapansin ko na ang madalas na pag gamit ko ng English na mga salita sa pakikipag-usap. Ngayon, mas komportable na ako at mas may alam.
Armani, salamat talaga. Kahit ilang beses kong ulitin ang pasasalamat sa'yo, hindi talaga magiging sapat kumpara sa lahat ng naitulong mo sa'kin sa iilang araw na nasa poder mo ako.
Nang lumipas pa ang ilang minuto ay tumigil ang bus at nabuhay na naman ang nerbyos sa dibdib ko nang may pumasok na tatlong babae at isang lalaki. Kung babase ako sa mukha at pananamit, hula ko mga kaedaran ko o mas matanda pa sila sa'kin.
Mukhang batak din sila sa trabaho, lalo na ang lalaki dahil kitang-kita ang hulmado niyang braso sa sando niya. Matapos kausapin ang konduktor ay tinuro niya kami at napatingin sa'min ang tatlo kaya napalunok ako.
BINABASA MO ANG
Limos (Sumilao Series #2)
RomanceBagong mundo, bagong buhay. Yan ang tanging layunin ni Daisy nang bumaba siya mula sa kabundukang kinalakihan niya. Ngunit 'di niya naman inasahan na talagang babaliktad ang mundo niya. Sa rami ng engkwento na kanyang naranasan, 'di niya inakala na...