KABANATA 23

45 3 1
                                    

Daisy


Bandang alas singko trenta ay naghihintay na ako sa tapat ng gate kay Mak-mak. Baka kasi makita kaming dalawa na magkasama kaya mabuting sa labas na ako maghintay.


Tumupad naman si Mak-mak sa pangako niya dahil maya-maya ay huminto sa tapat ko ang isang puting sasakyan. Parang truck ito na maliit.


Ibinaba niya ang bintana. "Good morning, Daisy! Sakay na." Masiglang bati niya kaya pati ako ay parang nagkaroon din ng sigla.


Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob ng sasakyan. Nagulat ako nang lumiit ang distansya sa pagitan naming dalawa.


Sobrang lapit ng mukha niya sa'kin. Kitang-kita ko ang mahahabang pilik-mata niya at mga maliliit na marka sa mukha niya.


"Seatbelt. Baka mamaya masita tayo." Aniya at may narinig akong tumunog bago siya lumayo sa'kin at umayos ng upo.


Napatingin ako sa dibdib ko at nagulat nang makitang may suot na akong seatbelt. 'Di ko man lang namalayan at naramdaman. Masyado ata akong nagfocus sa mukha ni Mak-mak.


Paano ba naman kasi. Nakakahipnotismo ang mukha niya. Napakaganda talagang pagmasdan. 'Di ka magsasawa.


Umiling ako at tinampal ang pisngi ko.


Naku, Daisy! Kung ano-ano na naman ang naiisip mo. 'Di ka naman ganyan dati.


"Okay ka lang? Ba't mo naman sinampal sarili mo?" Tanong niya kaya napabaling ako sakaniya.


"Ah, w-wala... Pampagising lang." Pagdadahilan ko.


Umayos ka, Daisy.


"Sigurado ka, ha? Kung inaantok ka, puwede ka namang matulog. Teka, nakakain ka na ba?" Tanong niya at umiling ako.


"Busog pa naman ako." Sagot ko sakaniya.


"Sayang. May masarap na Bulalohan akong alam kaso sa Malaybalay eh. Masarap 'yon pang-umagahan. Sa susunod, dadalhin kita roon. Sa ngayon, hanap tayo ng ibang kainan sa daan." Aniya at pinaandar na ang makina ng sasakyan.


Anong sabi niya? Dadalhin niya ako roon?


Napangiti naman ako. 'Di naman niya kailangang gawin 'yon pero nakakatuwa dahil naisip niyang isama ako sa lugar na 'yon. Siguro, talagang masarap ang Bulalo sa lugar kaya't naisipan niyang dalhin ako roon.


Habang bumabyahe ay pinagmasdan ko lang si Mak-mak. Nakafocus lang ang atensyon niya sa daan habang nagmamaneho.


Ang totoo niyan, nakakamangha siyang tingnan ngayon.


 Kung magmaneho kasi siya, parang alam na alam niya na talaga ang ginagawa niya. Relaxed ang mukha at katawan niya. Sumisipol pa siya paminsan-minsan habang gumagalaw ang mga kamay niya. Ni hindi na niya ito tinatapunan ng tingin.

Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon