KABANATA 27

18 1 1
                                    

[3rd PERSON'S POV]


"Just spill it out, man. 'Wag mo nang pahirapan ang sarili mo."


"Wala nga po akong alam. Ba't ayaw niyong maniwala sa'kin?!"


Dahil sa sagot na 'yon ay napahawak siya sa kaniyang sentido. Hindi niya inaasahan na magiging ganito katigas ang taong iniinteroga nila.


Inilatag niya ang mga papel na nagsisilbing ebidensya laban dito.


"Bago ka tumanggi, sana nilinis mo muna kalat mo nang 'di ka nagmumukhang tanga ngayon, Lucio." Malamig na saad niya.


Lumaki naman ang mga mata nito nang makita ang nakakalat na mga ebidensya sa lamesa. Ang lahat ng lihim at illegal nitong mga transaksyon, pati mga litrato kung saan kitang nakikipagkita ito sa 'di kilalang lalaki.


"Maliban sa pagtatraydor mo sa'kin, ano pa ang katarantaduhang ginawa mo? May kinalaman ka ba sa pagkamatay ng kapatid ko?"


Pinipilit niyang maging kalmado dahil ayaw niyang makagawa ng bagay na pagsisisihan niya. Gaya na lamang ng kagustuhan niyang suntukin ang lalaking nasa harapan niya ngayon.


'Di niya inasahan na kumukupkop at nagpapalaki pala siya ng isang ahas. Kung 'di dahil sa dalagang naglakas-loob magsumbong sakanila ay baka hanggang ngayo'y bulag pa rin sila sa mga anomalyang nangyayari sa proyekto.


Kumunot ang noo ni Lucio, "Kapatid? Wala akong kinalaman sa pagkamatay ng kapatid mo, Sir Miguel. Ni hindi ko nga alam kung anong itsura niya!" Sagot naman nito.


Natigilan at napaisip naman si Miguel sa sagot nito. Hindi niya alam kung nagsisinungaling ba ito o nagsasabi ng katotohanan.


Hindi nakakagulat para sakaniya ang huling sinabi ng lalaki. Dahil bagamat aktibo ang nakatatandang kapatid sa mga proyekto at negosyo, hindi madalas naipapakita ang mukha nito sa media dahil pribado itong tao.


Maliban sa balita ng pagkamatay nito ilang buwan na ang nakalilipas, wala nang bahid ng mukha nito sa publiko.


Lumabas ang dalawa mula sa kwarto kung saan nagaganap ang interogasyon.


"Is he telling the truth? Wala ba talaga siyang involvement sa insidente?" Tanong ni Miguel sa imbestigador na kinuha niya.


May iniabot naman ito sakaniyang dokumento. "Unfortunately, nagsasabi siya ng totoo, Sir. Base sa imbestigasyon, last month lang siya nagkaroon ng unusual activities at kahit ang background niya, malinis din prior the incident." Sagot nito sakaniya.


Namuo ang galit at bigo sa puso ni Miguel.


"Pero, may lead na kami rito sa lalaki na nasa puting vehicle. Itinrack namin ang identity nito at mukhang affiliated ang lalaki sa C&J Trucking Services Incorporated." Saad nito na nakakuha ng atensyon ni Miguel.

Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon