KABANATA 31

55 0 2
                                    

Daisy


Parang biglang tumahimik ang buong opisina at ang tanging mga salita niya ang nagpaulit-ulit sa isip ko.


"An-anong--" Bago ko pa mabuo ang nais kong sabihin ay ihinarap niya sa'kin cellphone niya at namilog ang mga mata ko nang makitang ang TikTok video namin ito ni Maky na sumasayaw.


"Oh God, that's impossible... No, no bloody way it's fucking him." Rinig ko ang panginginig sa boses ni Armani. 


Gusto ko mang silayan ang mukha niya ay hindi ko magawa dahil nakapako lang ang tingin ko sa video.


"Where was this, Daisy? Saan... saan mo nakilala si K-kuya..?" Doon natanggal ang pagkahipotismo ko sa video at nabaling ang tingin ko kay Miguel.


Kahit ako ay hindi ko napigilang makaramdam ng sakit sa dibdib nang makita ang kakaibang mukha ni Miguel. Ang mga mata niya ay kumikinang, ang labi ay nanginginig. Ang ekspresyon ay 'di ko mawari kung gulat, 'di makapaniwala, pagkalito, kuryosidad, at higit sa lahat.


Ang mga mata niyang puno ng pag-asa at pananabik.


Ngayong nakikita ko nang malapitan at harapan si Miguel, parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang mapagtanto kung bakit napakapamilyar ng mukha ni Miguel sa'kin.


Ngayong nakikita kong ganito si Miguel, halos kusutin ko ang mga mata kong parang nag-iilusyon dahil sa mga sandaling ito, nakikita ko ang mukha ni Maky sakanya.


Nanindig ang balahibo ko sa reyalisasyon. Sa sobrang pagkagulantang ay nanghina ata ang buong katawan ko kaya't nagpapasalamat ako sa upuang nagsisilbing suporta sa akin.


"Diyos ko..." 'Di ko makapaniwalang sambit.


Bumalik sa'kin ang lahat-lahat ng pangyayari. Mula noong una naming engkwentro ni Maky, ang mga kakwestyon-kwestyong mga bagay na nagagawa niya, ang mga palaisipan sa isipan ko. Ang bawat piraso ay nagtagpi-tagpi at nagkaroon ng kasagutan.


Lahat ng katanungan ko'y nasagot ng isang salita ni Miguel.


Kuya...


Kaya pala... kaya ganoon na lang ang kahiwagaan ni Maky.


Dahil kuya siya ni Miguel. Miguel Samson na boss namin, na galing sa isang makapangyarihang pamilya rito sa Sumilao.


Dahil siya ang inakalang patay nang si Mateo Samson.


Tahimik ang lahat, bawat isa pinoproseso ang impormasyong nalakap namin mula sa isang TikTok video na ginawa lang namin kahapon.


Ang unang bumasag sa katahimikan ay si Armani na sinagot ang telepono na kanina pa tumutunog at ang nag-iisang karindi-rinding ingay sa opisina.


Limos (Sumilao Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon