Chapter 23

2.6K 27 1
                                    

Rhian's POV

"Hello Ken? Napatawag ka."

Hindi naman ito tumatawag kung wala itong importanteng sasabihin kaya ako kinakabahan. Anong sasabihin niya?

"Rhian, asan ka?"

Bakas ang panik sa kanyang boses. Nagtataka naman ako.

"Bakit?"

"Ayos ka lang ba?"

"Huh? Uh, oo naman."

Alam rin ba nito na nasa ibang bansa si Dramon? Na magkasama sila ni Coleen?

"Goodness. Nandito kami sa bahay niyo. Sira yung isang kwarto. Ninakawan yata kayo." Bakas pa rin ang pag-aalala sa boses nito.

"Saan ba kasi si Dramon?" Si Gino ang narinig kong nagsalita sa kabilang linya.

"Hindi kami nilooban. Ako ang may gawa niyan."

"I knew it." Si Warren naman ang narinig ko.

"W-what? What happened?" Singit ni Ken. Naririnig ko pang nag-uusap sina Gino at Warren tungkol doon sa mga sinira ko.

"Saka ko na ipapaliwanag Ken. Bakit nga pala kayo nandyan?"

Hindi nakalock yung pinto sa bahay kaya nakapasok sila. Wala namang isyu doon dahil alam ko namang wala silang kukunin at kaibigan naman siya ni Dramon.

"We were here to visit Dramon but I guess, wala pa siya."

"Alam naman ni Warren kung anong pinagkakaabalahan niya."

Narinig ko itong napabuntong hininga. Alam kong alam na din nila ang dahilan kung bakit siya wala.

"Do the right thing Rhian kung hindi mo na kaya. Kahit kaibigan namin siya ay hindi namin kukunsintihin ang mga pinaggagawa niya."

Napaiyak naman ako doon dahil mas may pakialam pa sila sakin kaysa sa sarili kong asawa.

"T-thank you."

"Don't worry, kakausapin namin siya pagkauwi niya."

"Huwag na, ayos lang ako. Ako na ang bahala."

Nagpaalam naman agad ako saka napatingin ulit sa cellphone. Binuksan ko ang facebook account ko saka sinearch ang pangalan niya. Wala namang nagpapakitang account niya. Alam ko din namang hindi siya mahilig magfacebook pero umaasa akong baka may makita ako tungkol sa kanya.

Namamaga na naman ang mga mata ko pagkagising ko kinaumagahan dahil sa pag iyak. Ayokong bumaba para kumain dahil baka makita ni daddy ang mukha ko. Kaso ay narinig ko itong kumatok at pumasok sa kwarto. Napabangon ako at napaupo sa headboard ng kama ng makita ko siyang seryosong nakatingin sakin.

Naupo ito sa kama. Ilang minuto siyang hindi nagsalita saka ito napabuntong hininga ng malalim.

"Mukhang mali ang desisyon kong pagpapakasal sayo sa kanya. Kung sana lang ay may iba akong paraan para isalba ang kompanya ginawa ko na. Patawad anak kung dahil doon napunta ka sa ganitong sitwasyon." Yumuko ito at kitang kita ko ang pagpatak ng mga luha sa kanya mga mata.

"Dad, wala po kayong kasalanan." Niyakap ko ito. Ayokong makita siyang umiiyak. Ayokong makita ang magulang kong umiiyak. Nasasaktan ako.

"Patawad anak." Naiiling ako habang nakayakap sa kanya kasabay ng pagluha ko.

"Wag niyong sisihin ang sarili niyo dad. Kahit papaano ay naging masaya ako dahil natupad ang kagustuhan kong makasal sa taong minamahal ko."

"Pero labis naman ang sakit na binabalik sayo. Ilang sandaling saya kapalit ng labis na paghihinagpis." Mapait akong napangiti.

"Hindi ko hahayaang masaktan ka pa muli. Ikaw lang ang tanging yaman ko anak kaya hindi ko hahayaang saktan ka niya ulit." Kumalas siya sa yakap saka pinunasan ang luha sa aking pisngi. Napangiti ako saka siya niyakap muli.

"Salamat dad. Lagi kayong nandyan para sakin. Salamat."

Tinapik tapik nito ang likod ko saka siya kumalas sa yakap.

"Hangga't nabubuhay ako, lagi kitang babantayan." Ngumiti ito saka ako hinila patayo.

"Halika na, kakain na tayo. Nakapagluto na si Manang Martha."

"Susunod po ako dad. Maghihilamos lang ako."

Nauna ngang lumabas si daddy. Nag ayos naman muna ako bago ako bumaba para kumain.

Kumain nga kaming sabay sabay nila daddy kasama si Manang Martha.

"Rhian, anak, kumain ka ng madami nangangayayat ka na." Sabi ni Manang Martha saka ulit nagsandok ng kanin at nilagay sa pinggan ko.

Tipid akongh ngumiti at sinimulang ubusin ang pagkain. Napasulyap naman si daddy sakin.

"Ano ba kasing nangyayari sayo anak? Nagtatampo na ako sayo. Mula ng mag asawa ka hindi mo na ako kinukwentuhan." May pagtatampong sabi ni Manang Martha.

"Problema mag-asawa, Martha." Si daddy ang sumagot.

"Naku! Ayusin niyo yan. Mahirap ang mag-asawang hindi nagpapansinan kapag nag-aaway. Pero nasaan ba ang asawa mo Rhian? Matagal ko na siyang hindi nakikita." Napatigil si daddy sa pagkain. Sinulyapan niya ako saka binalingan si Manang Martha.

"Nasa abroad" si daddy ulit ang sumagot. Hindi na ako nagtaka kung paano nalaman ni daddy. Malamang na sinabi na ni Kiyyah sa kanya.

"Mga kabataan talaga. Dapat pamilya ang inuuna niyo bago ang magparami ng pera. Mawawalan yan ng silbi kapag pamilya mo na ang nawala sayo." Napapailing pa nitong sabi. Hindi alam ni Manang Martha ang set up naming dalawa ni Dramon. Ang alan niya ay nagpakasal kami dahil mahal namin ang isa't isa.

Dito ako sa restaurant nagpunta pagkatapos naming kumain. Namiss ko na din kasi ang magluto na siyang nagiging libangan.

"Good morning ma'am Rhian." Bati ni manong Jun.

"Good morning din po."

Pumasok naman ako at naaamoy ko ang mabangong aroma ng mga pagkain. Madami daming tao kaya pagkatapos kong iwan ang bag ko sa opisina ay dumeretso ako sa kusina. Busy sila sa pagluluto na halos hindi nila ako namalayan.

Gulat pang napatingin si Inna at Jepoy sakin.

"Madam, nandito kayo?"

"Obvious ba Inna?" Umikot ang mga mata ko. Napatawa naman silang dalawa.

"Umagang umaga ang sungit mo madam."

"Bad mood yata si ma'am, Inna." Si Jepoy na natatawa pa din.

"Baka hindi napagbigyan kagabi." Natawa ng malakas si Inna at napapahampas pa kay Jepoy.

"You're fired Inna."

"A-ano? Madam naman nagbibiro lang ako." Sinamaan ko lang ito ng tingin. Bumulong pa ito kay Jepoy na rinig ko naman.

"Mukha ngang hindi napagbigyan kagabi si madam." Humagikhik pa ito pagkatapos ibulong kay Jepoy. Mabilis naman itong umalis ng makita niyang nakatingin ako sa kanya ng masama.

Tumulong ako sa pagluluto hanggang sa magtanghalian na. Pawis na pawis na ako kaya nagpasya muna akong magpalit ng damit at magpahinga sa opisina.

Pinahatid ko nalang din ang pagkain ko kay Inna. Nandoon naman na yun sa lamesa ko noong matapos akong magpalit ng damit.

Kumain naman ako at halos mapatakbo ako sa banyo pagkatapos inumin ang orange juice. Sumama ang pakiramdam ko. Nahihilo ako at nasusuka. Tagaktak na din ang pawis ko habang nagduduwal. Napasandal ako sa sofa pagkatapos kong magmumog.

Anong nilagay ni Inna sa pagkain ko at nilabas ko lang din naman lahat? Sasabunutan ko yun mamaya.

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon