Rhian's POV
Maaga akong umuwi dahil kahit magkaaway kami nung pusa ni Dramon, ayoko pa rin itong mamatay sa gutom.
Naalala kong hindi ko nilagyan ng pagkain yung kakainan niya bago ako umalis na dati kong ginagawa bago umalis. Naiinis kasi ako sa kanya sinira niya yung tsinelas ko.
Pagdating ko sa bahay naabutan ko si Kitty na nakahiga sa labas ng pinto at ang lungkot ng mga mata niya na nakatitig lang sa kawalan. Akala mo tao.
Nang makita niya ako ay mabilis itong tumayo at naglakad palayo. Pansin kong medyo may kurba na sa bandang tiyan niya na mukhang gutom na.
"Kitty, saan ka pupunta?"
Hinabol ko ito dahil pumunta siya sa likod ng bahay kung saan ang garden.
Naupo siya sa tabi ng isang bulaklak at hindi ako pinansin nung lumapit ako sa kanya.
"Sorry na, naiinis lang naman ako kasi sinira mo yung tsinelas ko. Paborito ko pa naman yun."
Hindi pa rin niya ako pinansin bagkus ipinikit niya ang mata at tinakpan ng kamay niya ang tainga.
"Sorry na Kitty, gusto mo bang ipagluto kita ng maraming pagkain?" tinanggal ko ang pagkakatakip ng tainga nito pero hindi pa siya nagmulat.
"Ibibili pa kita ng magandang damit, gusto mo ba yon?"
"Meow"
Hindi ko alam kung may sa ano ito pusa na nakakaintindi o ano. Nakangiti ko namang hinaplos ang balahibo nito.
"Gusto mo bang mamasyal?" tanong ko habang hinahaplos pa rin siya
"Meow! Meow!"
"O sige, tara sa park mamaya."
"Why are you talking to a cat?" biglang sulpot ng isang baritonong boses na ikinagulat ko
"K-kasi...kasi alam kong nakakaintindi rin sila."
"Ang aga mo naman yata ngayon?" Napatingin pa ako sa relo ko para icheck ang oras at mga 5:14 palang ng hapon. Hindi ito ang oras ng uwi niya, kadalasan mga hating-gabi na.
"I have a business trip." simpleng sagot nito
Nahihiwagaan na ako sa mga ikinikilos niya dahil hindi naman siya ganito. Dapat ngayon sinisigawan o pinapatay na niya ako ng masama niyang tingin dahil sa pagtatanong ko o di kaya'y bibigyan lang niya ako ng cold treatment. Pero ngayon, lahat ng yun ay hindi nangyari.
Ano ba talagang plano mo?
******
Tinulungan ko siya sa pag iimpake niya sa mga damit at gamit na kakailanganin niya sa kanyang business trip.
"Hanggang kailan ka sa Palawan?" tanong ko
Doon kasi siya may kameeting na mga investor at makoclose ng deal sa kanila.
Tumingin siya saglit sakin saka ipinapatuloy ang pag-aayos ng neck tie.
"A week or two. Depends on my clients."
Lumapit naman ako sa kanya para tulungan siyang mag-ayos ng neck tie niya. Hinayaan naman niya ako at ramdam ko ang titig niya sa mukha ko. Tumingin ako diretso sa mata niya saka ngumiti at tinapik ang dibdib niya.
"Ayos na." Dumistansya ako ng konte sa kanya para tignan ang kabuuan niya.
Nakatayo lang siya at nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya, nakatingin lang siya at hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya.
"Ahhm, may nakalimutan ka pa ba?" naiilang na tanong ko dahil hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya na hindi ko maintindihan ang ekspresyon ng mukha. Kung galit ba ito o natutuwa?
BINABASA MO ANG
Taming Dramon (COMPLETED)
General FictionRhian Salazar, isang babaeng nakasal sa taong kanyang minamahal ngunit kahit sa panaginip at kanilang pagtatalik, ibang pangalan ang kanyang sinisigaw. "How can he fall for me when he's into someone else?" Paano kung sa oras na mahal na nito ang as...
