Rhian's POV
"Mom, this man said he's lost so we took him here. Baka mas lalo pa siyang maligaw sa labas." Her daughter stated as if it's not a big deal to let a stranger in.
Well, he's not totally a stranger pero syempre hindi din naman niya kilala o nakilala.
"Anak, you know that it's dangerous to trust a stranger." Kita ko ang pagtiim bagang nito sa aking sinabi. Napakuyom ito ng kamao.
"Yeah, but it's not also wrong to help a stranger in need." Katwiran nito.
Nanatili namang tahimik si Red sa kanyang tabi. Naramdaman ko naman ang pagtayo ni Nixxon at paglapit nito sa akin. Hinapit niya ako sa bewang papalapit sa kanya. Gulat naman akong napatingin sa kanya na nakatingin lang ngayon kay Dramon.
"What can we do for you, mister?" Tanong nito kay Dramon na ngayon ay masama ang tingin kay Nixxon. Tumiim bagang ito at mukhang nanggigigil ang itsura. Probably killing Nixxon on his mind.
"Let's talk," baling nito sakin at seryosong tinitigan.
"Mommy, you know him?" Tanong ng anak ko.
"Sashi, let's go upstair." Hinigit ni Red ang kamay ng anak ko.
"Red, ano ba?! You're hurting me na ah!" Reklamo ng anak ko dahil sa pagkakahila sa kanya ni Red paakyat ng hagdan.
"I'll wait for you outside." Sabi ni Dramon sa malamig na boses.
"What? My girlfriend can't come with you outside." Tutol ni Nixxon na siyang nakapagpatigil kay Dramon palabas ng bahay.
"What did you say? Girlfriend?" He laughed without humor. Matalim niyang tinitigan si Nixxon.
"Fuck off! She's my wife." Mariin at galit nitong saad.
"Well, not anymore." Tila balewalang sumbat ni Nixxon.
Sabay pa kaming nagulat ng mabilis siyang sununtok ni Dramon.
"Oh my god! Dramon! What the hell are you doing?!" Dinaluhan ko si Nixxon na ngayon ay pinupunasan ang duguang labi.
"Remember that you are inside my house. That is trespassing. I could sue you for that." Nixxon stated calmly.
"Fuck you! You're the one who trespassed with my property!"
Hinigit ako ni Dramon at kinaladkad palabas ng bahay.
"Dramon! Where are you taking me?!"
"Greyson! The fuck! Where are you taking Rhian?!" Sumunod si Nixxon ngunit agad napatigil ng ikinasa at walang pag-aalinlangang itinutok sa kanya ni Dramon ang hawak na baril.
"Oh my god, Dramon! Ibaba mo yan! Ibaba mo!" Natatarantang hinawakan ko ang kanyang kamay na nakahawak ng baril.
"Follow and I'll shoot you." Galit nitong banta kay Nixxon.
"Ibaba mo na yan sasama na ako sayo. Please lang!" Hinigit naman niya ako at kinaladkad.
Dahil malayo ang bahay ni Nixxon sa concrete road at nag-iisa sa parteng iyon ay nahihirapan akong naglalakad habang hawak hawak ako ni Dramon.
"Ano ba? Pwede bang dahan dahan lang!" Hinigit ko ang kamay ko mula sa kanyang pagkakahawak.
Natigilan ito sa paglalakad. Malamig niya lang akong binalingan.
"Walk." Utos niya sakin. Pinapauna akong maglakad. Hindi ako gumalaw kaya hinigit na naman niya ako at kinaladkad.
Mariin nitong hinawakan ang aking mga kamay kaya hindi ako makapumiglas. Tumigil ito sa paglalakad ng may humintong sasakyang saming harapan.
BINABASA MO ANG
Taming Dramon (COMPLETED)
General FictionRhian Salazar, isang babaeng nakasal sa taong kanyang minamahal ngunit kahit sa panaginip at kanilang pagtatalik, ibang pangalan ang kanyang sinisigaw. "How can he fall for me when he's into someone else?" Paano kung sa oras na mahal na nito ang as...