Chapter 19

2.8K 28 0
                                        

Rhian's POV

Sa tatlong linggong lumipas paminsan minsan akong natutulog kila daddy. Wala rin naman kasi akong kasama sa bahay at nakakatakot na nga rin minsan. Feeling ko nga may multo na doon sa bahay sa sobrang katahimikan tuwing gabi. Tahimik pa rin naman kahit andun si Dramon pero at least alam kong may kasama ako eh ngayon, pusa ang kasama ko.

"Ma'am ang gulo niyo naman po. Akala ko ba ayaw niyo ng mansanas, ehh bakit kayo nagpapabili?"

"Nagrereklamo ka ba Inna?" salubong ang kilay kong tanong

"Nagtatan--------a-hehe sabi ko nga po bibili na ako, bye ma'am." Kumaripas ito ng takbo na akala mo nakakita ny multo.

Tumingin naman ako sa paligid ko, mahirap na baka nga nakakita siya ng multo.

Sa isiping baka nga may nakita siyang multo ay lumabas ako ng opisinang pinaglalagian ko.

"No, I'll be there in an hour just wait for me babe."

"Yeah, yeah. Okay, love you."

"Hey miss, watch out!" sigaw ng nasa likod kaya napalingon ako at muntik na akong atakihin sa puso.

Hindi naman pala ako yung sinigawan niya ng 'watch out' kundi yung babaeng nakapula na ngayon ay nakahiga na sa sahig.

Agad akong lumapit at napag-alaman kong nadulas siya sa sahig dahil basa ito at bakas pa ang sapatos niya sa sahig.

Tinulungan siya nung lalake para makaupo pero naiiyak lang siyang nanatiling nakahiga sa sahig.

"Miss, get up already." sabi nung lalakeng tinutulungan siyang makaupo.

"Excuse me, excuse padaan po." sabi ko para makadaan

"Arayyy! Ang sakit, t-teka, dahan-dahan naman. Ouch!" Nakaalalay lang sa kanya yung lalake habang yung babae naman ay nakahawak sa balakang nito.

"Okay ka lang, miss?"

Tiningnan naman niya ako ng masama saka ito umiyak.

"Ikaw kaya madulas sa sahig na maraming taong nanonood. Tingin mo magiging okay ka pa dun? Kasalanan 'to ng may-ari, di man lang niya tinitingnan kung maayos ba itong restaurant niya. Nasaan ba yun at kakalbuhin ko?" sigaw niya sakin

"Kalma po ma'am. Pasensya na po sa nangyari at wag po kayong mag-alala sagot ko na po yung gastos para sa pagpapatingin kung may nasaktan po sa buto niyo."

"Aba, dapat lang. Baka may nadamage sa mga buto ko at teka, ba't ba ikaw ang kinakausap ko? Ikaw ba ang may-ari nito?"

Hindi ko alam kung anong klaseng ngiti yung ibinigay ko bago ako tumango.

"I  think, wala naman sigurong nadamage sa mga buto niya o kung ano man. Siguro yung laman lang niya." sabad nung lalake na tumulong sa kanya

"Masakit---------teka, alisin mo nga yang kamay mo. Kanina ka pa nakahawak sa bewang ko, mister." singhal nito sa lalaki at inalis ang kamay ng lalaki na nakahawak sa bewang nito

"Sorry, I was just..." itinaas nito ang dalawang kamay saka umiling

"Sexion by the way." inilahad nito ang kamay pero tinignan lang ito nung babae saka ito humagalpak ng tawa. Para ngang wala ako sa harap nila.

Tipid itong ngumiti sa tumatawang babae. Bumaling ito ng tingin sakin.

Inilahad din nito ang kamay.

"Nice to meet you, and you are?"

"Rhian, Rhian Greyson." we shook hands

"Hoy! Ano nga ulit pangalan mo? Section? As in, section ng classroom? O Sex plus position para Sextion?" humagalpak ulit ito ng tawa. Well, ang weird nga naman ng pangalan.

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon