Rhian's POV
Umuwi din si Kiyyah pagkatapos naming kumain at magkwentuhan. Gusto pa nga niya akong samahan dahil wala akong kasama pero hindi ako pumayag dahil may pasok pa siya sa trabaho niya at malayo layo yun mula dito sa amin.
Nagpumilit pa siya pero kinumbinsi ko lang din siyang walang mangyayaring masama sakin dito kahit mag isa lang ako. Wala naman kasing basta basta nakakapasok dito sa subdivision na kinalalagyan ng bahay. Mahigpit ang security kaya walang basta bastang nakakapasok na di kilala.
Nagpasya akong magpahangin muna sa labas pagkatapos kong maligo. Hindi pa kasi ako inaantok.
Pababa na sana ako ng hagdan ng mahagip ng mata ko ang isang kwarto na ni kailanman ay hindi ko napasok.
Tinangka ko itong buksan noon at halos patayin na ako ni Dramon sa pagkakasakal nung makita niya akong sinusubukang buksan ang pinto. Mula noon hindi ko na sinubukang buksan dahil hindi ko din naman mahanap yung susi.
Naglakad ako palapit sa pinto at sinubukang pihitin ang siradura. Nakalock.
Anong nasa kwartong 'to at laging nakalock?
Bumalik ako sa kwarto namin at naghanap ng susi.
"Nasaan ba yung susi?" Bulong ko sa sarili.
Nabuksan ko na lahat ng drawers wala pa rin. Imposible namang dala dala niya yung susi kahit pa sabihing maliit lang ito. Hindi ko siya maimagine na nagdadala ng susi sa kwarto.
Napatingin ako sa walk in closet niya. Dali dali akong pumasok at hinanap kung may susi pa. Lahat ng pwedeng pagtaguan niya hinanap ko na. Pero wala pa rin.
Pagod akong napaupo sa kama at napatingin sa hawak kong cellphone.
"Tatawag ba ako?" Alanganin kong bulong sa sarili. Kinakabahan ako.
"Kaya mo yan Rhian. Kaya mo." Pagchecheer ko sa sarili saka pinindot ang pangalan ni Dramon.
Ilang beses pa akong napabuga ng hangin habang hinihintay na may sumagot.
"H-hello?" Sabi ko sa kabilang linya ng may sumagot dito.
"Yes? Who are you?" Boses ng babae ang sumagot.
Hindi ako sigurado sa boses pero nanginginig ako.
"I-I... I ahhm..." untal kong sabi kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"What?" Inis nitong singhal.
Hindi pa rin ako nagsasalita. Walang lumabalas sa bibig ko.
"If you can't talk properly then don't call. You're wasting our time."
"W-wait" pigil ko dahil mukhang ibababa na niya ang tawag.
"Who are you talking?" Biglang may nagsalita sa kabilang linya. Si Dramon. Alam ko dahil kabisado ko ang boses niya.
"I don't know. It's an unregistered number." Sagot ng babae.
"Don't answer a call if it's not save on my phone. It only means it's not an important call." Sabi nito saka biglang namatay yung tawag.
Tigagal akong napaupo sa sahig. Nag unahan ang mga luha ko sa pagbuhos.
It's not an important call?
Napatawa ako. Sino ba naman kasi ako? A wife for nothing.
Nanggagalaiti ako sa galit. Bakit hindi siya umuwi at harapin ako? Bakit hindi siya umuwi at sabihin mismo sa pagmumukha ko na maghiwalay na kami? Baka doon magigising na ako sa katotohanang hindi niya ako mahal.
BINABASA MO ANG
Taming Dramon (COMPLETED)
General FictionRhian Salazar, isang babaeng nakasal sa taong kanyang minamahal ngunit kahit sa panaginip at kanilang pagtatalik, ibang pangalan ang kanyang sinisigaw. "How can he fall for me when he's into someone else?" Paano kung sa oras na mahal na nito ang as...
