Chapter 40

6K 60 11
                                    

Rhian's POV

"What happened? Oh my god!" Natutop ni Kiyyah ang bibig pagkakita kay Dramon na duguan at buhat buhat ang anak.

"Please save my daughter. Please!" Dramon pleaded on Kiyyah.

"Kiyyah, please! Do everything to save Sashel. I'm begging you." Umiiyak at halos lumuhod kong pakiusap.

Sinenyasan nito ang mga kasamahan para agad dalhin ang anak ko sa emergency room.

"I'll do everything pero wala akong maipapangako." Sabi nito at saka ako niyakap bago umalis at nagtungo sa emergency room.

Sumunod ako at nanatili sa labas ng emergency room habang pabalik balik ang lakad. Napahilamos ako sa mukha. Napatigil ako ng may yumakap sakin.

Nagpumiglas ako sa kanyang yakap. Galit ko siyang tiningnan. I don't want to blame anyone but my anger toward them is giving me the reason to blame them.

"This is what you want? Huh? Look what happened! Look what happened to your own daughter, Dramon!" I angrily shouted at him.

Napailing ito. Regretful and pain was evident on his face.

"I never want this to happen. I'm sorry-----"

"Fuck your apologist! The damage has been done already. Walang magagawa yang sorry mo para ibsan ang sakit na nararamdaman ng anak mo!"

He remained silent. Namumula ang mga mata at animo'y iiyak anumang oras.

Napaiwas ako ng tingin. Nagngingitngit ang kalooban. Napatingin ako sa mag-inang paparating. Mas lalong nabuhay ang matinding galit sa puso ko.

Galit akong sumugod sa mag-ina at hindi mapigilan ang sariling sampalin si Coleen.

"Anong ginagawa niyo dito? Magsilayas kayo!" Akma ko ulit itong susugurin ng niyakap ako ni Dramon para pigilan.

Pumiksi ako at tinignan silang tatlo.

"Umalis na kayo. Hindi namin kayo kailangan dito. Umalis na kayo bago ko pa kalbuhin yang buhok niyong mag-ina." Sa takot ay madali silang umalis.

Galit akong napabaling kay Dramon.

"Ano pang ginagawa mo dito?! Umalis ka na. Hindi ka namin kailangan ng anak ko dito!" Pagalit kong bulyaw sa kanya pero hindi siya nagpatinag.

"Umalis ka na!" Mariin at seryoso ko siyang tinignan. Seryoso din siyang tumingin sakin.

"Dramon! Rhian! Anong nangyari sa apo ko?" Ang papalapit na boses ni daddy ang narinig ko.

Nanatiling nakatitig sakin si Dramon. Muli ko siya tiningnan.

"Umalis ka na." Mariin kong sabi bago ako lumapit kay daddy.

Iniwan ko siya doong nakatayo bago kami nagpatuloy ni daddy sa labas ng emergency room.

"Ang asawa mo?" Tanong ni daddy. Hindi ako sumagot ng nanghihinang napaupo sa upuan sa labas ng ER.

"Anong nangyari?" Puno iyon ng kaseryosohan.

"Rhian?" Muli nitong tawag ng hindi ako sumagot. Umagos muli ang luha ko.

"Nagkaroon ng pagtatalo sa bahay. Dramon and..." huminga ako ng palalim para makapagpatuloy, "Sashel get angry with her father. She ran. Sinundan ko siya at..." hirap akong ipagpatuloy ang insidenteng nasaksihan ko na nakapagpadurog ng puso ko.

Niyakap ako ng mahigpit ni daddy. Again, sa kanya ulit ako umiiyak sa halos lahat ng problema ko.

"Tumakbo siya sa kabilang kalsada hanggang sa may...may sasakyang nakabangga sa kanya. The blood...oh god. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala sakin ang anak ko, daddy. Hindi ko kaya." Masakit makita ang anak mong puno ng dugo at walang malay. The pain was unbearable.

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon