Rhian's POV
Matapos naming kumain ay umuwi na kami. Dumeretso si Kiyyah sa kanilang bahay kahit na may sarili naman itong condo. Wala naman daw siyang kasama doon at namimiss na rin daw nito ang sariling bahay. Matagal din siyang nag stay abroad.
Pag uwi ko sa bahay, nagulat ako dahil nandun na ang kotse ni Dramon. Hindi ito umuwi kagabi at maaga itong umuwi ngayon, nakakapagtaka.
Pagpasok ko sa loob ng bahay hindi ko siya nakita sa living room at sa kusina. Nagbabakasakali lang ako na andun siya, nagluluto, pero malabo ata talagang mangyari yun, hindi na ako umaasa.
Binuksan ko ang kanyang private office na nasa tabi ng hagdan, pero wala rin siya. Lima lang ang kwarto dito. Ang kwarto namin, ang kanyang private office, ang isang library na katabi ng kanyang private office,guest room na katabi ng kwarto namin at isang kwarto na hindi ko alam ang laman dahil lagi itong nakalock. Hindi ko naman tinatanong sa kanya kung anong laman nun dahil baka sabihin niyang nakikialam ako sa bahay niya.
Dumeretso na ako sa kwarto namin at saktong pagbukas ko ay sakto namang pagbukas ng pinto ng bathroom.
Iniluwa doon ang nakatapis at kaliligong Dramon.
Kahit gaano ang pagpipigil ko na wag siyang tignan ay di ko mapigilan.
Bumaba ang tingin ko sa kanyang maskuladong dibdib pababa sa kanyang six pack abs pababa sa kanyang nakatapis na baywang.
"Are you done checking on me?" may panunuyang tanong niya.
Napayuko at napaiwas naman ako ng tingin. Humakbang ako paatras saka ako nag angat ng tingin at nakita ko siyang nakatayo parin sa bukana ng bathroom nakahalukipkip at taimtim akong tinitigan.
"L-labas muna ako" sabi ko na nakaturo pa ang daliri sa direksyon ng hagdan.
Tinanggal niya ang pagkakahalukipkip saka naglakad palapit sakin.
"Why?" tanong niya habang naglalakad palapit at nakatingin saking mga mata. Wala akong mabasang ekspresyon sa mukha niya, blanko lang ito.
Napalunok naman ako kahit na wala naman akong malunok na laway ko.
"M-magbibihis ka pa"
Napingisi naman siya.
"Shy. You already saw it and even touch every single part of my body"
Namula naman ako dahil dun kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.
"Tss, woman will always be woman. Makakita lang ng katawan ng lalaki natetense na, tsk!" sabi nito sabay lakad papunta sa walk in closet.
Nanatili naman ako dun, nakatayo at tulala.
Bakit ba pag siya na ang nagsalita hindi ako nakakasagot?
Lumabas naman siyang nakapantulog na. Napatingin naman siya sakin saka niya tinaasan ng kilay.
"Ah, kumain ka na ba?" tanong ko
Tiningnan lang niya ako saka siya umupo sa right side ng kama. Nakatingin pa rin siya sakin.
"Aren't you going to come in?" malamig nitong tanong.
Napahakbang naman ako papasok. Inilapag ko ang aking bag sa may sofa saka ako naupo para tanggalin ang aking sandal.
Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko siyang nakapikit habang nakapatong ang isang braso sa kanyang noo.
Nagpahinga ako saglit sa may sofa saka ako naglakad sa may bathroom.
Naligo at pinatuyuan ko ang aking buhok. Lumabas akong nakatapis, hindi na ako nagdala ng pamalit sa loob ng bathroom dahil alam kong tulog na siya.
"Waaahhh"
"Holy shit! What the hell!" galit niyang sigaw
"M-m-ay may p-pusa" takot kong sabi
Tinignan naman niya ang direksyon ng itinuro ko. Itim na pusa iyon at nakaupo sa may sofa nakatingin sakin.
Paanong hindi ako sisigaw eh nagulat ako atsaka takot talaga ako sa itim na pusa. Parang masama ang pinapahiwatig nito para sakin.
"Just because of a cat you'll going to shout? Oh please, can't you see, I'm sleeping!" inis niyang bulyaw.
"I-im sorry nagulat lang ako at natakot sa pusa" nakayuko kong sabi.
"Tss"
Nakita ko naman siya mula sa gilid ng aking mga mata na naglakad siya papunta sa sofa. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya.
Kinuha niya ang pusa saka walang lingon likod na umalis sa kwarto.
Dali dali na akong nagbihis bago pa siya makabalik ng kwarto. Paglabas ko sa walk in closet ay wala pa siya sa kama. Umupo naman ako at hinintay siyang pumasok pero makalipas ang ilang minuto ay wala pa siya kaya naisipan kong tingnan siya sa baba.
Pagbaba ko nakita kong wala siya sa salas. Nakita ko namang bukas ang ilaw ng private office niya kaya dahan dahan ko itong binuksan. Nakita ko ang pusang kumakain sa katabi nitong maliit na mesa.
"Hindi ka pa matutulog?"
"You just distrubed my sleep earlier" masungit niyang sabi habang hindi ako sinusulyapan ng tingin.
"G-gusto mo ng kape? Ipagtitimpla kita."
Nag angat siya ng tingin mula sa kanyang pinipirmahang papel at matiim akong tinitigan. Nailang naman ako sa paraan ng pagtingin niya.
"Gagawa lang ako ng kape mo" sabi ko at dali daling lumabas.
Inihatid ko ang tinimpla kong kape para sa kanya. Nilapag ko ito sa lamesa niya. Hindi pa rin siya nag aangat ng tingin sakin.
Napadako naman ang tingin ko sa katabi niyang mesa. Nakita ko na naman ang pusa na nakatingin sa akin ng mataimtim.
"A-alis na a-ako" takot kong sabi.
Nahimigan niya siguro ang takot sa boses ko kaya napaangat siya ng tingin sa akin.
Nakita kong napabaling ang tingin niya sa tinitignan ko. Tumayo siya at lumapit sa pusa.
"She's not Coleen, Kitty" sabi niya sa pusa habang hinahaplos ang ulo nito.
Malamig na tingin naman ang ipukol niya sakin.
"You can leave" malamig sa sabi niya
Tumalikod na ako at dahan dahang naglakad paalis ng kwartong yun.
Nanghihina naman akong napaupo sa kama.
Naglandas ang butil ng luha sa aking mga mata.
Ganito nalang ba lagi? Ang lagi akong masaktan dahil alam kong mahal na mahal nito ang ex niya at ako, hindi niya ako kayang mahalin. Pero anong magagawa ko, mahal ko siya at titiisin ko ang lahat para sa kanya. Maghihintay akong mahalin niya rin ako kahit na walang pag asa na mahilin niya ako pabalik. May pagkakataon na akong makasama siya kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito para makasama siya.
Alam kong selfish pakinggan pero ito nalang ang tanging paraan. Ang makasal sa kanya at maging asawa niya ay isang bagay na ipinagpapasalamat ko. Aminin ko man o hindi pero masaya ako ng malaman kong siya ang pakakasalan ko. Hindi ko man sinadya at alam kong galit siya sakin dahil pumayag akong magpakasal ay masaya pa rin ako.
Nakatulugan ko na ang pag iisip at pag iyak kaya paggising ko medyo mahapdi ang mga mata ko.
Nagtoothbrush at mahilamos ako bago bumaba para magluto. Pagkatapos kong magluto, naisipan kong tingnan siya sa kanyang private office.
Nakita kong natutulog siya sa sofa. Nakahiga sa dibdib niya ang pusa.
Ngayon ko lang nakita ang pusa kaya natakot talaga ako, hindi ko naman alam na pusa pala nila iyan ni Coleen, ang ex niya.
Bumalik ako sa kwarto para maligo at magbihis. Hindi ko na siya ginising dahil mukha siya pagod.
Nauna na akong kumain at nag iwan nalang ako ng note na nagsasabing umalis na ako kahit na mukha naman siyang walang pakialam.
BINABASA MO ANG
Taming Dramon (COMPLETED)
General FictionRhian Salazar, isang babaeng nakasal sa taong kanyang minamahal ngunit kahit sa panaginip at kanilang pagtatalik, ibang pangalan ang kanyang sinisigaw. "How can he fall for me when he's into someone else?" Paano kung sa oras na mahal na nito ang as...
