Chapter 12

3.1K 35 0
                                        

Rhian's POV

Nakangiting napapaunat ako ng magising dahil sa napanaginipan ko ngunit agad na napangiwi ng maramdaman kong masakit ang nasa ibaba ko.

Napatingin ako sa sarili ko. Hindi na yung suot ko kahapon ang suot ko kundi yung terno kong damit pantulog.

Siya ba ang nagpalit sakin?

Napalingon ako sa kabilang bahagi ng kama para tignan kung nandoon siya pero wala naman.

Pero bakit masakit yung nasa pagitan ng hita ko? Ibig sabihin ba nun totoo yun at hindi panaginip lang na may nangyari samin ni Dramon?

Paika-ika akong nagtungo sa banyo para maghilamos. Napatingin ako sa salamin at namilog ang mga mata ko ng makita ang mga pulang marka sa leeg ko. Meron din sa itaas ng dibdib ko.

Ibig sabihin, totoo nga na may nangyari samin kagabi ngunit paano nangyari yun?

Ibig kong sabihin, paanong may nangyari samin kung galit na galit ito sakin na halos ayaw ako nitong hawakan?

Gulat akong napalingon sa pintuan ng biglang bumukas iyon at iniluwa ang walang ekspresyong mukha ni Dramon.

"I----i a--ahmm" hindi ko mahanap ang salitang sasabihin ko ng magsimula itong maglakad papunta sa direksyon ko.

Hindi ko alam pero ako pa ang nahihiya gayong siya naman ang may ginawang kababalaghan kagabi.

"Move" malamig niyang sabi

Ibang iba na kung paano niya ako itrato dun sa panaginip ko kagabi. O talaga ngang may nangyari samin kagabi pero hindi tulad ng nasa panaginip ko na puno ng ingat na inangkin niya ako. Iyon siguro ang panaginip ko lang at ang totoo lang doon ay yung may nangyari samin.

Napaatras naman ako pagilid ng kunin nito ang kanyang sipilyo at nagsimulang magsipilyo. Nakatitig lang ako sa kanya kung paano siya magsipilyo.

Pagkatapos niyang magsipilyo ay walang sabi-sabi itong lumabas ng banyo. Nakatingin lang ulit ako sa pintong nilabasan niya. Hindi man lang ako nakapagtanong.

Eh ano namang itatanong ko sa kanya? Yung nangyari kagabi? Eh obvious naman na walang lang ito sa kanya. Baka nagpalipas lang ito ng init ng katawan.

Bigla ulit bumukas ang pinto ng banyo. May nakasabit na tuwalaya sa balikat niya at diretso nitong tinungo sa shower room.

Kita ko mula sa clear glass na siyang harang ng shower room na tinanggal nito ang suot na damit. Hawak na niya ang magkabilang gilid ng suot na pajama at akmang ibaba ng mapatingin ito sa gawi ko. Akala ko hindi niya ako papansinin.

"Are you still not done watching me?" masungit na tanong nito

Taranta naman akong napaturo at napapalit palit ng tingin sa pintuan ng banyo at sa kanya.

"S-s-sige a-alis n--"

"Tss. Just tell me if you want to join me take a bath." nakatalikod nitong sabi bago tuluyang hinubad ang saplot. Mabilis naman akong napatalikod saka ko siya narinig na magsalita.

"Don't act as if an innocent virgin who didn't still saw something like this. As far as I can remember, you enjoyed having it between your thigh." malamig nitong turan. Alam kong yung unang gabing may nangyari samin ang tinutukoy niya.

Napayuko nalang ako habang dahan-dahang naglakad palabas ng banyo. Napapikit ako nang maramdaman ko ang mga luhang umaagos sa pisngi ko.

Ganito nalang ba kami?

Marahan kong pinahid ang mga luha ko saka kinuha ang tuwalya ng maalala ko na ngayon nga pala ang labas ni dad sa ospital.

Naligo ako sa banyo sa baba. Pagpunta ko sa kwarto wala na akong nadatnan dun na Dramon kundi ang pusang mahimbing na natutulog sa kama.

Hindi ko alam pero bigla akong nainis sa kulay ng balahibo ng pusa. Gusto ko itong gupitin at palitan ang kulay sa kulay pink.

Napahagikgik pa ako ng maimagine ang magiging anyo ng pusa kapag kulay pink na ang balahibo.

Mabilis akong nagpalit ng damit at kinarga ang pusa na gusto pang matulog pero pilit ko itong ginigising. Galit nitong kinalmot ang kamay ko saka tumalon para makawala sa pagkakahawak ko. Hinabol ko ito pero tumalon na sa may bintana.

"Ang sungit ng pusang 'yon. Makalbo nga bukas." sabi ko sa sarili habang nakatanaw sa pusang pakembot kembot pang maglakad. Napalingon pa ito sa gawi ko bago itinadyak patalikod ang kaliwang paa saka ipinagpatuloy ang pakembot kembot na paglalakad.

"Grabeng pusa." naiiling na sabi ko

Pati pusa pala nagagalit pag inistorbo sa pagtulog.













******

Agad akong nakarating sa ospital at nakita kong nagliligpit na si nanay Martha ng mga gamit. Si nanay Martha nga pala ang siyang nag-alaga sakin mula pa pagkabata kaya itinuturing ko na rin siya bilang pangalawang ina.

Sinenyasan ko naman si daddy na wag maingay.

"Ay! Nakung bata ka aatakihin ako sa puso ng dahil sayo." Gulat niyang sabi ng bigla ko siyang yakapin mula sa likod. Natatawa naman si daddy sa reaksyon ni nanay Martha.

"Sorry nanay. Namiss ko po kayo." Natatawa at naglalambing kong sabi habang yakap siya sa likuran.

"Aba'y ikaw naman kasi hindi ka man lang nabisita sa bahay." Nagtatampong sabi nito bago nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.

"Wag na po kayong magtampo nay, babawi po ako mamaya sa bahay."

"Dapat lang, magtatampo na talaga ako sayo pag hindi ka pa pumunta."

"Pupunta po ako nanay. Wala naman po akong trabaho ngayon." nakangiting sabi ko








******

Pagdating namin sa bahay agad akong napaupo sa sofa.

"Mukhang pagod na pagod ka ah." sabi ni dad ng makaupo ito sa tabi ko. Napapikit pa akong sumandal sa sandalan ng sofa.

"Oo nga. Wala ka namang ginawa para mapagod ka agad." komento ni nanay Martha

Tama. Wala nga naman akong ginawa buong biyahe kundi umupo at umidlip sa kotse.

"Ewan ko po nay. Nanay, pwede niyo po ba akong ipagluto ng paborito kong kare-kare?"

"Aba'y oo naman. Ngayon nalang ulit kita maipagluluto." nakangiting sabi ni nanay

"Sandali at magluluto na ako, magtatanghali na." paalam niya bago nagtungo sa kusina

Napatingin naman ako kay dad nang isandal nito ang ulo sa balikat ko.

"Masuwerte tayo na mayroon tayong manang Martha na nag-aalaga sa atin." sabi ni dad

Natawa naman ako.

"Bakit ka tumatawa?" tanong ni dad ng umalis ito sa pagkakasandal sa balikat ko. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sakin na tinatawanan siya.

"Dad, matanda ka na para magpaalaga pa. Ikaw dad ah, baka naman....." pabitin kong sabi habang tinataas baba pa ang kilay ko. Alam kong alam niya ang tinutukoy ko kasi bigla itong sumimangot.

"Anak naman, diba sabi ko hinding hindi ko ipagpapalit ang mommy mo."

Ngumiti naman ako sa kanya saka hinawakan ang kamay niya.

"Alam ko po yun dad. Pero kapag dumating ang araw at may muling magpatibok ng puso niyo, hayaan niyo po ang sarili niyong sumubok muli. Alam ko namang yun din ang gusto ni mommy, ang maging masaya kayo. Hindi ko po kayo pipigilan...basta ba masaya kayo." Sabi ko

"Salamat anak." naluluha niya akong niyakap

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon