Chapter 5

3.3K 42 0
                                        

Rhian's POV

Dumiretso na ako sa mall na pagtatagpuan namin ni Kiyyah.

Hindi ako pumasok dahil napag usapan namin ni Kiyyah kahapon na magbobonding kami dahil matagal na kaming hindi nagkikita. Palagi itong nasa ibang bansa.

Namiss ko siyang kasama at kakwentuhan. Siya lang ang laging nandyan para tulungan ako maliban sa daddy ko.

Bestfriends na kami mula bata pa.

Sinabi ko na rin sa mga empleyado ko na hindi ako papasok ngayon at tiwala naman ako sa kanila na makakaya na nila ang trabaho doon. Sabi nga nila ay dapat hindi na ako tumutulong sa mga gawain doon dahil amo nila ako pero tumutol ako. Sa tutuusin kahit hindi na ako pumasok ay alam kong kaya nila at maya tiwala ako sa kanila pero mababagot lang ako sa bahay pag hindi ako magtrabaho. Mas okay na ang may pinagkakaabalahan ako para hindi ako makapag isip ng mga bagay bagay na masakit sa damdamin.

Pagdating ko dun sa parking lot ay sakto rin namang pagbaba ni Kiyyah sa sasakyan nito.

Lumabas na rin ako sa sasakyan ko saka naglakad papalapit kay Kiyyah.

Nakatalikod siya sakin at may kung anong tinitignan sa cellphone nito.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"Kiyyah" bulong ko sa tainga niya.

Napalundag naman siya sa gulat.

"Hell, Jesus. Wag ka ngang nanggugulat" asik nito.

"Oy, masama yan. Anong hell Jesus ka dyan. Nasa heaven si Jesus hindi sa hell"

Inirapan naman niya ako. Mukhang hindi pa nakakaget over sa pagkagulat.

Tinawanan ko naman siya dahil mukha siyang nakakita ng multo kanina.

"Magtigil ka na nga sa kakatawa" sabi nito sa naunang naglakad.

Tumatawa naman akong sumunod sa kanya saka siya inakbayan kahit na medyo mas matangkad siya sakin ng konte dahil sa heels na gamit nito.

"Wag ng magtampo bebe ko. Sorry na, alam mo namang loves na loves kita eh" malambing kong sabi sa kanya.

Nakatingin na ang mga tao sa amin siguro ay narinig ang sinabi ko, plus nakaakbay pa ako sa kanya.

Namumula naman ang pisngi nitong tinanggal ang braso kong nakaakbay sa kanya.

"Eww, magtigil ka nga. Baka pagkamalan pa tayong magjowa, yakss"

"Bebe naman, ikinakahiya mo ba ako?" kunwari malungkot kong sabi saka pasimpleng tumingin sa mga taong nakatingin sa amin.

"Baliw ka na talaga. Bahala ka nga dyan" sabi nito at nauna na namang naglakad.

Pinakawalan ko naman ang tawa kong kanina ko pa pinipigilan.

Pumasok siya sa isang restaurant kaya sumunod akong tumatawa pa rin. Umupo naman ako sa kaharap niyang upuan.

Mataman naman niya akong tinitigan.

"What?"

"It's good to see you laughing again, Rhian." seryosong sabi nito.

Ngumiti naman siya sakin. Ako naman ang hindi makangiti sa kanya.

"Dapat pala maging clown ako para lagi kitang nakikitang masaya. Hindi yung lagi ka nalang malungkot at umiiyak." nangingiting sabi nito

Yumuko naman ako saka tipid na ngumiti nung mag angat ako ng tingin para tingnan siya.

"Salamat at lagi kang nandyan para sakin Kiyyah. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka. Salamat at tinuring mo akong parang kapatid."

Pinaikot naman niya ang mga mata nito.

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon