Rhian's POV
Napatayo ako ng bumukas ang pinto. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa paghihintay na lumabas siya ng kwarto niya. Medyo nahilo pa ako sa biglaan kong pagtayo kaya napahawak pa ako sa sandalan ng upuan.
"Why are you still here?" malamig na tanong niya
Napaangat naman ako ng tingin at alanganing ngumiti.
"H-hinihintay kasi kitang lumabas." nakangiti kong sabi
"Didn't I told you to leave?"
Napayuko naman ako saka gumuhit ng bilog sa tiles ng ospital gamit ang paa ko.
"Ayaw kitang iwan kahit pa ipagtabuyan mo ako." nakayuko kong sabi habang umiiling. Gulat nga ako na hindi ako nauutal.
Napaangat ako ng tingin para lang salubungin ang galit niyang mga mata saka ako tinalikuran.
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Alam ko namang dati ng hindi maganda ang pakikitungo niya pero ngayon ay ramdam ko na ang galit niya. Mababakas na ang galit at puot sa mata nito.
Napabuntong hininga nalang ako saka sumunod sa kanya. Naabutan ko naman siya sa may parking at pasakay na ng kotse niya. Ibang kotse na naman kasi siguradong ayaw na niyang gamitin yung kotse niya dahil may sira na. Kahit nga konting galos lang at ayaw na nitong gamitin. Ganun siya kayaman na hindi nasasayangan sa perang ginagastos.
May driver na sumundo sa kanya at alam kong driver iyon ng pamilya niya. Wala naman kasi kaming driver o kahit kasambahay sa kadahilanang para matuto kaming magtrabaho bilang mag asawa.
Napadaan sila sa tapat ko at alam kong nakita niya ako dahil napalingon pa ang driver at mukhang sinasabi niyang nandito ako at binagalan ang takbo ng kotse pero mukhang walang pakialam si Dramon. Basta nalang nila akong nilampasan.
Nakatanaw lang ako sa kanila hanggang sa may humintong sasakyan sa tapat ko.
"Anong ginagawa mo dyan?" tanong nito ng makababa ito ng sasakyan
"Kiyyah"
Tinaasan niya lang ako ng kilay saka napatingin sa suot ko. Lalapit sana ako para yakapin siya ng iharang nito ang kamay sa mukha ko.
"Ang aga-aga nandito ka at bakit ganyan yang suot mo? Para kang hindi naligo at nagpalit."
"Ang galing mo talaga bestfriend" nangingiting asar ko saka bigla siyang dinamba ng yakap. Para akong baliw na pabago bago ng mood.
"What the...you're gross. Wag mo nga akong yakapin." maarteng sabi nito habang tinatanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Ang bango mo naman bestfriend." sabi ko saka ko siya inamoy amoy.
"Hoy Rhian, tigilan mo nga ako sa drama mo. At bakit ka nga ba nandito ng ganito kaaga, aber" tanong nito ng maalis niya ang kamay kong nakayakap sa kanya.
Tipid lang akong ngumiti sa kanya.
"Wala lang. Binibisita ka syempre"
"Nang ganito kaaga? Hoy babae, wag mo nga akong pinagloloko. Ano nga?" salubong ang kilay at nakahalukipkip nitong tanong.
Hindi ko alam pero pagkakita ko kay Kiyyah ay gumaan ang nararamdaman ko. Siguro ay dahil nakakita ako ng kakampi ko na alam kong hindi ako iiwan.
"Naaksidente si Dramon."
Napaform naman ng bilog ang mga labi nito saka maya maya ay walang gana akong tiningnan.
"So kaya ka nandito kaaga ay para puntahan ang asawa mo?" tanong niya pero ng may marealize ay tiningnan niya ako ng masama.
![](https://img.wattpad.com/cover/179360824-288-k401940.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming Dramon (COMPLETED)
General FictionRhian Salazar, isang babaeng nakasal sa taong kanyang minamahal ngunit kahit sa panaginip at kanilang pagtatalik, ibang pangalan ang kanyang sinisigaw. "How can he fall for me when he's into someone else?" Paano kung sa oras na mahal na nito ang as...