Chapter 47

5K 40 24
                                    

Rhian's POV

Ilang minuto na ang nakaraan mula ng lumapag ang eroplano sa airport na pag-aari ng mga Greyson. Ang kabang nararamdaman ko kanina ay mas lalong tumindi.

Paano pa kaya kapag nagkaharap kaming muli? Baka mahimatay na ako sobrang kaba.

Bakit naman kasi ako kakabahan? Bakit ako ang kakabahan? Siya itong nanguha sa anak ko ng walang paalam.

"Mommy, are you going to stay here for an hour?" Si Sashel na nakailang balik na para tawagin ako pababa. Kanina pa kasi ako nakaupo dito sa loob ng eroplano.

"I'm coming na." Sumunod ako sa kanya palabas ng eroplano.

Napatigil ako at napapikit para damhin ang simoy ng hangin.

Its been awhile.

"Tsk, mamaya ka na mag-emote dyan. Bumaba ka na at ng makaalis na tayo." Reklamo ni Nixxon habang tulak ang mga maletang dala. Nauna na sila patungo sa kotseng nag-aabang sa amin.

Bumaba ako at binilisan ang lakad para mahabol sila. Naririnig ko pa ang pag-uusap nila mula sa likod.

"Masyado yatang natetense ang mommy mo."

"Why naman po?"

"Look at her face," bumaling pa sila sakin sa likod bago nagpatuloy.

"See? Mukha siyang constipated. Hindi makaanak na pusa." Nag-apir pa ang mga ito bago palihim na humalakhak.

I rolled my eyes as if they can see my reaction.

Sobra naman siya sa deskripyon. Kinakabahan lang ako at naninibago dito sa Pilipinas.

"Maybe she's too excited to see dad?"

"Yeah, very excited."

"I can hear you two!" Lakad-takbo ang ginawa ko para makaabot sa kanila.

"See? She's running because of excitement." Komento pa ni Nixxon ng tumigil sila sa harap ng nakaparadang kotse.

"Eh kung hambalusin ko yang pagmumukha mo." Sabi ko dito ng makalapit.

"Oh, please don't. My handsome face will be ruin." Napahawak pa ito sa kanyang mula.

Napatigil sa ere ang kamay ko na akmang babatok kay Nixxon ng bumukas ang pinto ng nakaparadang kotse.

"Maybe I can just ruin your so called handsome face myself." Ang malamig na boses ng lalaking galing sa loob ng kotse ang nakapagpatigil samin sa asaran.

Ang nakaangat kong kamay ay unti-unti kong binaba. Matalim ang tingin na ipinukol nito kay Nixxon. Si Nixxon naman ay tila balewalang nakatingin kay Dramon na halos patayin na siya ng tingin.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko ng makabawi sa pagkagulat.

I'm not expecting him here. Ang inaasahan ko ay isang tauhan ni dad ang naghahatid samin sa address na ibinigay ni dad sakin.

Hindi ito umimik. Sandali pang nakipagsukatan ito ng tingin kay Nixxon bago hinila ang dalawang kulay pink na maleta.

"To take you and our daughter home."

Hinila niya ang mga ito at dinala sa likod ng kotse. Kami naman ay nakamasid lang sa kanya. Napatingin ako kay Nixxon ng nakangisi itong tumingin sakin.

Binuksan ni Dramon ang passenger seat at pumasok doon ang anak ko. Isinara niya iyon at blankong tumingin samin.

"Let's go." Walang sabi-sabing pumasok ito sa driver's seat.

Nagkatinginan kami ni Nixxon.

"Teka pre, itong gamit ko saan ko ilalagay?"

"Get in." Utos niya sakin. Sinubukan kong buksan ang passenger seat ngunit hindi ko mabuksan.

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon