Chapter 32

2.5K 30 0
                                    

Rhian's POV

Ilang buwan na rin ang lumipas ng dinugo ako at isinugod ni Dramon sa ospital. Laking pasasalamat ko sa Diyos na hindi nito hinayaang mawala sakin ang anak ko.

Hindi ko alam kung anong nangyari doon sa babae. Sekretarya ito ni Dramon. Tuwing tinatanong ko siya ay hindi niya sinasabi.

Malaki na rin ang tiyan ko. Pitong buwan na.

"What are you cooking?" Napalundag ako sa gulat ng biglang may magsalita sa likod ko saka ako niyakap mula sa likod.

"Wag mo nga akong ginugulat. Aatakihin ako sa puso ng dahil sayo. Umupo ka na dun at tatapusin ko lang 'tong niluluto ko."

"Bouillabaisse"

"Yup. A French fish soup. Masarap 'to."

"You always cook French cuisine."

"Ngayon lang naman ah. I still prefer Filipino dishes."

"Really? The last time I check, you cooked Cassoulet, Croque monsieur, Ratatouille, Tarte Tartin and others that are French cuisine. How could you even eat all of them in one day?"

"And how could you even pronounce them all so perfectly? Eh, ako nga halos mabulol na ako kababasa niyan kaya minsan hindi ko nalang binabasa yung pangalan."

"That's too basic. Easy for me."

Tinanggal ko ang pagkakayakap nito sakin.

"Edi ikaw na" inirapan ko ito saka inihain ang niluto.

Forte ko nga ang pagluluto pero nahihirapan pa ding akong bigkasin ang pangalan ng mga banyagang pagkain.

"Take a seat. I'll serve for my queen." Pinaghila niya ako ng upuan. Naupo ako habang siya ay naglalagay ng pagkain sa aking pinggan. Pinagsisilbihan nga niya ako na parang reyna.

Napagpasyahan naming mamamasyal pagkatapos kumain kaya ngayon, on the go na kami sa pamamasyal. Pumupunta din siya sa kompaniya tuwing may meeting lang siya. Sa bahay na siya nagtratrabaho lalo na ngayon na malaki laki na ang aking tiyan.

Sabi ko nga maghire nalang ng yaya para may kasama ako pero ayaw niya. Nagvolunteer din si Manang na siya nalang ang kasakasama ko dito ngunit ayaw pa rin niya. First child daw namin kaya dapat nandun siya lagi para alalayan ako. Lalo pa noong nangyari ang muntik ko ng pagkakakunan.

Nagtitinginan sa gawi namin ang mga tao pagkapasok namin sa mall. Sino bang hindi kung itong katabi ko gwapong gwapo sa suot na fitted na jeans at black shirt. Nakasuot pa ito ng shades habang nakaakbay sakin.

Lumingon siya sakin ng maramdamang nakatingin ako sa kanya habang naglalakad kami.

"What's the matter? Eyes on your way, baby. Don't stare at me like that. We might end up in a freaking comfort room if you continue. I don't want that so please stop, wife."

Mas lalo akong napangiti dahil ngayon lang niya ako tinawag na wife. Iniyakap ko ang dalawang kamay sa bewang nito saka tinignan ang mga babaeng kung makatingin ay akala uwak na humahaba ang leeg.

"Ang gwapo mo kasi. Ngayon natatakot na tuloy ako na hayaan ka lumabas mag-isa. Nakakainis yung mga babaeng nakatitig sayo."

Tumigil ito sa paglalakad saka ako hinalikan sa noo at labi. Tumingin siya sa mga nakatingin.

"Stop staring because my wife doesn't want it." Sigaw nito sa mga tao. Napatago naman ako sa dibdib niya sa kahihiyan.

"Bakit kailangan mo pang isigaw? Nakakahiya tuloy." Bulong ko habang nakasubsob pa rin sa dibdib nito.

Taming Dramon (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon