Rhian's POV
Tulala lang ako habang nasa labas at hinihintay ang paglabas ng doktor na nasa loob ng apat na sulok ng kwartong iyon.
Mabilis akong tumayo ng lumabas doon ang doktor.
"Doc, kumusta ho ang lagay niya?" naiiyak na tanong ko ng makalapit ako sa doktor
"He's ok now. Masyado lang siguro siyang nastress nitong nakaraang araw na nagsanhi ng pagtaas ng presyon niya at nakakaligtaan na rin niyang kumain. It's better for him to rest and stay away from stress." sabi ng doktor
"Thank you doc"
Tipid lang itong ngumiti saka nagpaalam. Ako naman ay naglakad sa may pinto saka ito binuksan.
Tumambad sa akin ang natutulog na si daddy. Lumapit ako at naupo sa tabi niya. Hinawakan ng isa kong kamay ang kamay niya habang ang isa kong kamay ay hinahaplos ang buhok niya.
Hindi ko alam pero naluluha ako habang nakatitig sa mukha niya.
Bumuhos ang luha sa mata ko.
Hindi ko ata kaya kapag nawala rin sa akin si daddy. Paano nalang ako? Sinong magiging kakampi ko sa buhay maliban sa kaibigan ko?
Unti-unti namang bumukas ang mga mata niya. Napatingin siya sakin at natatarantang pinipilit umupo.
"Bakit umiiyak ang prinsesa ko, hmm?" sabi ni daddy habang pinupunasan ang luha ko na di matigil sa pagdaloy.
"Daddy naman, dapat iniingatan niyo ang kalusugan niyo. Kumain rin kayo ng wasto. Paano nalang kung....kung magkasakit kayo ng malala at mamatay. Sino nang magmamahal sakin?"
"Wag kang mag-alala anak, hindi ako mawawala sayo hanggat kailangan mo ako. Atsaka, kung sakali mang mamatay ako andiyan naman si Kiyyah at ang asawa mo. Sigurado namang aalagaan at mamahalin ka nila." nakangiting sabi nito habang hawak ang kamay ko.
Napasimangot naman ako sa narinig.
"Kung si Kiyyah, alam kong hindi ako iiwan ng kaibagan ko, pero kung ang asawa ko–" napailing-iling ako. "Baka nga nakahanda na ang divorce paper namin para pirmahan nalang ang gagawin namin pagkatapos niyang makuha ang mana niya." nakatungo kong sabi habang pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay
"Anak, makinig ka" hinawakan niya ang baba ko saka iniangat para mapatingin ako sa kanya. "Mahirap man ang sitwasyon mo ngayon, wag kang bibitaw. Sa mata ng Diyos, kayo ay kasal at nanumpang habang buhay na magsasama sa hirap o ginhawa, sa sakit o ano pa mang pagsubok yan ang kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa inyo."
"Pero.....paano po kung....kung wala talagang patutunguhan ang pagsasama namin? Na nagkakasakitan lang kami habang pilit na pinagsasama. Hindi ko pa ba siya bibitawan?" naluluhang tanong ko
Ngumiti ito sa akin saka pinunasan ulit ang luha ko. Iniipit niya rin ang ilang hibla ng buhok ko na tumatabing sa mukha ko.
"Mahal mo ba siya?" tanong niya
Tumango tango naman ako.
"Kaya mo bang mawala siya?"
Umiling agad ako sa tanong niya.
"Then wag mo siyang bibitawan."
nakangiti nitong sabi
"Dad naman, kung hindi ko siya palalayain lalo lang kaming magkakasakitan."
"Halos magkaparehas man ang ibig sabihin ng mga salitang yan pero tandaan mo anak, may pagkakaiba pa rin sila." makahulugang sabi ni daddy
"Ano namang pinagkaiba nila dad?" nahihiwagaang tanong ko
Ano nga bang pinagkaiba nila?
"Palalayain mo siya hindi dahil hindi mo na siya mahal pero hindi mo——"
BINABASA MO ANG
Taming Dramon (COMPLETED)
Ficción GeneralRhian Salazar, isang babaeng nakasal sa taong kanyang minamahal ngunit kahit sa panaginip at kanilang pagtatalik, ibang pangalan ang kanyang sinisigaw. "How can he fall for me when he's into someone else?" Paano kung sa oras na mahal na nito ang as...
