Rhian's POV
Nakatulog ako pagkatapos nun. Masama pa din ang pakiramdam ko pagkagising.
Nagpasya naman akong umuwi para doon na magpahinga ng tumawag si Kiyyah.
"Oh?"
"Hello to you too, Rhian." Puno iyon ng sarkasmo. Napapikit lang ako ng mata dahil sumasakit ang ulo ko at nahihilo ako.
"Napatawag ka?"
"Ay wow! Pagkatapos mong umiyak iyak sakin gaganyanin mo na ako."
"Ewan ko sayo Kiyyah. Bakit nga?"
"Mamasyal tayo."
"Masama pakiramdam ko. Sa susunod nalang."
"Duh, edi mas mabuting magpacheck up ka nalang sakin. Nakalimutan mo yatang doktor ang bestfriend mo."
"Ang OA mo ah. Biogesic lang katapat nito."
"Kung walang prescription ng doktor wag kang basta basta umiinom ng gamot dahil baka mas lumala pa."
"Oo na dok. Sige na, uuwi na ako. Next time nalang tayo mamasyal."
"Sige, pahinga ka." Saka nito pinatay ang tawag.
Inayos ko naman lahat ng gamit ko saka ako umuwi. Nahiga agad ako sa kama at daling hinila ng antok.
Napabangon naman ako ng maramdanang parang hinahalukay ang tiyan ko. Dali-dali akong nagpunta sa banyo para sumuka. Namumutla ako ng makita ang sarili sa salamin dito sa banyo pagkatapos magmumog.
Kumuha ako ng tuwalya saka ako nagpasyang maligo para mahimasmasan. Pagkatapos ay bumaba ako sa kusina para sana magluto kaso mukhang nakapagluto na si Manang Martha.
Kadalasan, hinihintay ko si daddy makauwi para kumain kaso gutom na ako dahil halos wala na akong maisuka kundi tubig nalang. Tinawag ko naman si Manang Martha para kumain kaso hindi pa daw ito gutom.
Natakam naman ako sa adobong manok na niluto ni Manang Martha. Pakpak ng manok ang inulam ko. Nakulangan pa ako dahil dadalawa lang naman yung pakpak.
Pumasok ako sa kwarto pagkatapos kumain at nagpunta sa veranda para magpahangin at matunawan. Napatingin naman ako sa langit na puno ng bituwin. Ang liwanag ng kalangitan. Ang sarap pagmasdam ng mga bituwin. Nakakaamazed.
Pumasok ako sa loob ng maramdaman kong nilalamig na ako. Hindi ko na din namalayan kung anong oras na ako nakatulog sa kakaisip kung kumusta na siya. Hindi ko na din namalayan ang pag-uwi ni daddy.
Wala na si daddy pagkagising ko. Late na akong nagising kaya hindi ko siya naabutan.
"Meow"
Napatingin ko kay Kitty ng tumalon ito sa kama at maglalambing na hinagod hagod ang katawan sakin. Hinaplos ko naman na nakahiga na sa kandugan ko.
"Kumusta na kaya ang amo mo?" Pagkausap ko sa pusa. Nanatili naman itong nakahiga sa kandungan ko kaya binuhat ko ito papunta sa kusina. Kumakalam na ang sikmura ko dahil pasado 9 na ng magising ako.
Pinakain ko muna si Kitty bago ako kumain. Ako lang mag isa sa bahay dahil tamihik. Kapag nandito si Manang Martha ay maingay ang radyo kaya tingin ko wala siya.
Lumapit naman ako sa ref para kumuha ng ice cream. Pagbukas ko ay agad ko itong naisara dahil ang baho. Masuka suka pa ako ng maamoy ko ang amoy ng durian. Masama talaga ang amoy nito pero mas lalo naman yatang lumala ngayon.
Tinakpan ko pa ang ilong ko para lang makakuha ng strawberry flavor na ice cream. Tinanggal ko na din yung durian at itinapon kahit pa nasusuka ako sa amoy.
BINABASA MO ANG
Taming Dramon (COMPLETED)
General FictionRhian Salazar, isang babaeng nakasal sa taong kanyang minamahal ngunit kahit sa panaginip at kanilang pagtatalik, ibang pangalan ang kanyang sinisigaw. "How can he fall for me when he's into someone else?" Paano kung sa oras na mahal na nito ang as...
