Rhian's POV
Pagdating ko sa bahay ay sakto namang tumunog yung cellphone ko.
"Hello" sagot ko ng hindi tinitingnan ang tumawag dahil nilalabas ang mga pinamili ni Kiyyah
"Iha, wag mong kalimutang bisitahin ako bukas ha."
Napatingin naman ako sa cellphone ko kahit na alam ko na kung sino yung tumatawag.
Kinuha ko ang paper bag na naglalaman ng mga damit saka naglakad patungo sa hagdan papasok ng bahay.
Napatigil naman ako nang makaakyat na ako sa hagdan at nasa harap na ng pinto ng bahay para sagutin si dad.
"Oo naman po dad, bibisita po ako bukas"
"Aasahan ko kayo ng asawa mo bukas. Wala namang pasok yun kasi weekend at talagang pang family bonding yun."
"Dad, hindi ko po maipapangako na kasama ko ang asawa ko bukas. Alam niyo naman po ang lagay namin."
Narinig ko naman siyang napabuntong hininga.
"Basta pumunta ka bukas, miss ka na ni daddy, anak."
"Miss you too po"
"O sige na, bye na anak, don't forget that daddy loves you anak."
"And i love you too" sabi ko saka pinatay ang tawag.
"Who's that, and your late."
Gulat naman akong napaharap sa may pinto. Nakatalikod kasi ako sa may pintuan. Nakita ko naman siyang pinasadahan niya ako ng tingin gamit ang malamig niyang tingin.
"Kumain ka na ba? Sandali ipagluluto kita." sabi ko saka dali daling naglakad papasok
"You're late and where the hell have you been?" malamig niyang tanong habang nasa likod ko nakasunod sakin
"Ahhm, namasyal lang ka----"
"Rhian, ganda natin ah. May date ka kanina 'no?" nakangising tanong ni Warren, isa sa mga kaibigan ni Dramon, habang pinapasadahan niya, nila, ako ng tingin.
Nasa may sofa sila ni Ken, nakaupo habang may hawak na beer. Si Gino naman ay nakatayo sa gilid ni Ken, nakahawak rin ng bote ng beer.
"H-hello guys, nandito pala kayo. K-kumain na ba kayo? Ipagluluto ko kayo." hindi makatingin sabi ko sa kanila dahil naiilang ako sa mga tingin nila
"Stop staring, will you?" galit nitong sabi
Nagtatakang napalingon ako sa kanya dahil hindi naman ako nakatingin sa kanya para sabihin niya yun.
Nakita ko namang matalim ang mga mata niyang nakatingin sa mga kaibigan niya.
Magtatanong na sana ako sa kanya ng malamig niya akong tinignan sa mata saka nagtanong.
"Again. Where have you been? And answer me this time woman."
Sasagot na sana ako ng magsalita ulit si Warren.
"Kumusta ang date niyo Rhian, mukhang nag enjoy ka ah." nakangisi nitong sabi
"Ah oo naman, paano mo pala nalamang may date ako?"
Nagkibit balikat ito saka inginuso ang mga bitbit ko.
"Mahal ka talaga ng kadate mo 'no, mukhang hindi lang basta basta dahil ang galante niya magbigay ng regalo sayo ah."
BINABASA MO ANG
Taming Dramon (COMPLETED)
General FictionRhian Salazar, isang babaeng nakasal sa taong kanyang minamahal ngunit kahit sa panaginip at kanilang pagtatalik, ibang pangalan ang kanyang sinisigaw. "How can he fall for me when he's into someone else?" Paano kung sa oras na mahal na nito ang as...