Rhian's POV
Pagkatapos ng pagpapakilala ni Prenduskin ay bumalik na ako sa trabaho. Nagsimula na rin silang kumain at magkwentuhan. Si Tevior ay kinukwento yung naganap na pag-aakala kong 'friend' yung Prend na binanggit ni aling Lita. Akala ko nagkamali lang siya ng bigkas sa f at p.
"Yoohooo, hello everyone!" pambungad ng isang lalaking kapapasok lang at kumakain ng sampalok. Yung kending nakabalot ng yema wrapper. Binato niya yung buto kay Tevior na natamaan ang noo.
"Aray! Asar ka talaga Rusell." reklamo niya sa bagong dating
Humalakhak lang ito saka dumukot ulit ng isang kending sampalok.
"Hindi ka ba kakain?" tanong nung Pyde yata ang pangalan
"Kumain na ako bago pumunta dito?" sagot ng bagong dating
"Ate, isa pong rice at saka itong torta. Isa na rin pong mineral water." sabi ng isang magandang babae. Agad naman akong tumalima sa sinabi niya.
Nakatayo lang siya sa harapan at hinihintay ang order. Ako nalang munang mag-isa dahil sinabi kong kumain na muna sila aling Lita at ako muna ang bahalang magbatay tutal paisa isa nalang ang pumapasok dahil malapit ng mag ala-una.
Iniabot ko sa kanya ang tray. Nagpalinga linga siya saka pinili ang pinakasulok na pwesto. Sinusundan ko lang siya ng tingin, nakauniform siya ng kagaya nila Tevior kaya nakasisiguro akong schoolmates sila.
Nahagip naman ng mga mata ko ang pagngisi nung Rusell na may kinakaing sampalok habang nakatingin dun sa babae.
Bumulong siya dun sa Pyde ang pangalan saka inginuso ang pwesto ng babae. Sinundan niya ito ng tingin at matagal na napako doon ang titig kaya napansin ng iba ang kanyang tinitignan.
"Pyde, ayun siya oh." Inginuso ni Tevior kung saan yung pwesto ng maganda babae.
"Ang ingay mo Goldie." pang aasar ni
Rusell
"Tae mo Rusell" ani Tevior saka ito tiningnan ng masama. Ngumisi lang si Rusell habang pinagpatuloy ang pagkain ng kending sampalok.
"Ano Pyde, rematch ba?" tanong ng lalaking nakabukas ang butones ng uniform.
"Ano ka ba naman Rein, ilang beses na silang naglaro pero talo talaga si Pyde." Prenduskin
"Aba, malay nga naman natin may something something sila." sabi ni Tevior na tinataas baba pa ang kilay.
"Wala kaming something, talagang magaling lang siya kaya ako natalo." depensa ni Pyde na kita ko yung pasimple nitong pagsulyap na babae.
Mukha ngang may something ayaw lang aminin.
Umalis na rin sila ilang minuto lang pagkatapos makaalis nung babae. Pasado ala-una na rin kasi.
Nagpaalam pa sila bago umalis. Naipakilala rin ako ni Tevior sa mga kaibigan bago sila tuluyang umalis.
Umuwi na rin ako bandang 5 ng hapon. Nag-uwi pa ako ng ginataang gabi kahit na nakakahiyang manghingi. Ayaw rin naman kasing tanggapin nina aling Lita yung bayad ko.
Pagod na pagod akong nahiga sa sofa. Nakita ko pa si Kitty na nakatingala sakin mula sa sahig bago ako hilain ng antok.
7:13 ng magising ako at kumakalam na ang sikmura ko. Nagsaing ako ng kanin at pinainit nalang ang aking ulam. Hinanap ko si Kitty para pakainin dahil alam kong gutom na iyon. Nakalimutan kong maglagay ng pagkain niya sa lalagyan nang umalis ako.
"Meoww. Meoww." tawag ko sa pusa pero wala akong marinig na sagot
"Kitty, asan ka? Meoww" umakyat pa ako sa ikalawang palapag ng hindi ko siya mahanap sa labas.
Binuksan ko ang mga pinto doon pero hindi ko siya makita. Bumaba ulit ako saka siya tinawag.
"Kitty"
"Meooww" mahinang boses na sagot nito
"Kitty!" tawag ko at pinakinggan kung saan nagmumula ang boses
"Meowww. Meowww"
Natapat ako sa nagsisilbing opisina ni Dramon dito sa bahay kung saan ko narinig yung boses ni Kitty.
"Kitty, nandyan ka ba?"
Wala akong narinig na sagot kaya pinihit ko ang siradura pero nakalock. Inaasahan ko na yun, pero paano nakapasok si Kitty sa loob? Walang bintana sa opisina niya o butas na maaaring pasukan ni Kitty kaya paano siya nakapasok?
Nagulat nalang ako ng biglang may humila sa dulo ng suot kong pantalon.
"Kitty!"
"Saan ka ba nagpupuntang pusa ka, ha? Halika na't kakain na." sabi ko sa pusa
Mukha man akong tanga na kumakausap sa pusa pero parang alam kong naiintindihan niya ako.
Lumipas ang tatlong linggong walang paramdam si Dramon. Hindi ko naman siya matawag para kumustahin dahil wala akong number niya. Hindi rin ako sigurado kung sasagutin niya ang tawag ko pero maayos naman kami noong umalis siya.
Tamad na tamad akong pumasok sa restaurant. Wala sana akong balak pumasok pero nabuburyo na ako sa bahay. Wala akong makausap kundi yung pusa. Kinulayan ko na rin yung balahibo niya na gustong gusto niya naman.
Natatawa pa nga ako sa kanya noong itapat ko siya sa salamin. Mukha siyang gulat at hindi makilala ang sarili, well, ganun naman ang mga hayop dahil hindi nila alam kung anong itsura nila.
"Ma'am, ito na po yung mansanas at peras niyo." si Inna
Pinabili ko siya kanina dahil gustong kumain nito pero ng makita ko yung mansanas ay parang ayoko ng kainin.
Napasimangot naman ako dahil doon. "Ma'am, may problema po ba?" nagtatakang tanong ni Inna habang nagbabalat ng mansanas.
"Ayoko na pala niyang mansanas."
"Ha? Bakit po?"
"Para kasing pasimple siyang masarap pero maasim." nalukot pa ang mukha ko na iniimagine na maasim yung mansanas
"Hindi naman po maasim ah."
"Yun na nga eh, hindi naman maasim pero naaasiman ako."
"Naku ma'am iba na yan." nababahala nitong sabi
Kinabahan naman ako dahil doon.
"A-anong ibig mong sabihin?" kinakabahang kong tanong
"Baka naman..." pabitin nitong sabi. Hiniwa niya yung mansanas saka kinagatan. Nalukot ulit yung mukha ko at naiimagine na ako yung kumakain at naaasiman doon sa mansanas.
Pumihit siya paharap at tinignan ako or more like tinitigan. Lalo akong kinabahan sa klase ng tingin niya na parang may alam siya na hindi ko alam.
"Ano ba? Kinakabahan ako sayo Inna." asar kong reklamo. Tinawanan lang niya ako saka siya ulit kumagat ng mansanas.
"Baka naman kasi ma'am..." pabitin ulit nitong sabi
"Ano nga yun? Huwag ka ngang pabitin Inna, kinakabahan ako." nayayamot kong sabi
"T-teka l-lang...u-ubusin ko m-muna 'to." sabi nito sabay turo sa bunganga
Nang matapos siya ay pinunasan nito ang labi gamit ang likod ng palad.
"Ma'am, baka sira na ang taste bud niyo kaya iba na ang panlasa niyo sa pagkain." diretsa nitong sabi
Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Akala ko kung ano na yung sasabihin mo."
"Bakit ma'am, may inaasahan po ba kayong sasabihin ko sana?"
"Oo, akala ko sasabihin mong may malala na akong sakit. Kinabahan pa naman ako dun."
BINABASA MO ANG
Taming Dramon (COMPLETED)
General FictionRhian Salazar, isang babaeng nakasal sa taong kanyang minamahal ngunit kahit sa panaginip at kanilang pagtatalik, ibang pangalan ang kanyang sinisigaw. "How can he fall for me when he's into someone else?" Paano kung sa oras na mahal na nito ang as...
